Pagbulusok-pababa ng kapitalismo

Introduksyon

Para malaman kung bakit ang komunistang rebolusyon ay kailangan at posible ngayon, dapat ilahad natin ang usapin ng pagbulusok-pababa ng kapitalismo, para mailatag ang istorikal na batayan ng programa at estratehiya ng proletaryado sa kasalukuyang panahon.

Ang mga usapin gaya ng laman ng sosyalismo, ang kalikasan ng mga unyon, ang pulitika ng ‘prontismo', ang kalikasan ng mga kilusan sa pambansang pagpapalaya, ay mahigpit na nakaugnay sa pagsusuri sa dekadenteng kapitalismo.

Teorya ng Pagbulusok-pababa sa kasaysayan ng kilusang manggagawa

Hindi dahil ang malaking mayorya ng tao ay pinagsamantalahan at dahil dito ay napalayo ay isa ng istorikal na pangangailangan ang sosyalismo ngayon. Ang pagsasamantala at pagkalayo ay umiiral na sa ilalim ng alipin, pyudalismo, at kapitalismo sa ika-19 siglo, pero hindi posibleng mangyari ang sosyalismo alinman sa mga panahong ito.

Para maging realidad ang sosyalismo, hindi lang sapat ang pag-unlad ng kailangang mga salik para sa kanyang paglitaw (ang uring manggagawa at mga kagamitan sa produksyon), kundi ang sistema na papalitan nito - kapitalismo - ay kailangan din na hindi na mahalaga bilang sistema sa pag-unlad ng produktibong mga pwersa, kailangan maging papalaking hadlang na sa produktibong mga pwersa, ibig sabihin, kailangan nasa panahon na ng kanyang pagbulusok-pababa.

Ang mga sosyalista sa maagang bahagi ng ika-19 siglo ay tinuring ang sosyalismo bilang ideyal na dapat makamit, at ang kanyang realisasyon ay resulta ng kabutihang loob ng tao - sa kaso ng mga sosyalistang ‘utopyan', mula sa mabuting kalooban ng nagharing uri mismo. Ang walang-maliw na kontrbibusyon nila Marx at Engels ay ang kanilang pag-unawa at syentipikong pagpaliwanag sa materyal na nesisidad sa paglaho ng kapitalismo at sa realisasyon ng komunismo. Hindi aksidente nang sinumada ni Marx ang kanyang sulatin sa isang pasahe, nagpokus siya sa mekanismo ng istorikong paglago at pagbulusok-pababa ng iba't-ibang moda ng produksyon kung saan sa pamamagitan nito umuunlad ang sangkatauhan:

"Sa panlipunang produksyon ng kanilang buhay, ang tao ay pumasok sa depinidong mga relasyon na mahalaga at independyente sa kanilang kagustuhan, mga relasyon ng produksyon na umangkop sa depinidong yugto ng pag-unlad ng kanilang materyal na produktibong mga pwersa. Ang suma-total ng mga relasyong ito ang bumuo sa pang-ekonomiyang istruktura ng lipunan, ang tunay na pundasyon, kung saan umusbong ang legal at pulitikal na super-istruktura at umangkop sa depinidong mga porma ng panlipunang kamulatan. Ang moda ng produksyon sa materyal na buhay ang kondisyon para sa proseso ng buhay panlipunan, pulitikal at intelektwal sa pangkalahatan. Hindi ang kamulatan ng tao ang nagdetermina ng kanilang pagkatao, kundi ang kabaliktaran, ang kanilang sosyal na pagkatao ang nagdetermina ng kanilang kamulatan. Sa takdang yugto ng kanilang pag-unlad, ang materyal na produktibong mga pwersa ng lipunan ay bumangga sa umiiral na mga relasyon ng produksyon, o - ang legal na ekspresyon sa parehong bagay - sa mga relasyon ng pag-aari kung saan sa loob nito ay gumagalaw sila hanggang ngayon. Mula sa mga porma ng pagpapaunlad ng produktibong mga pwersa ang mga relasyong ito ay naging kadena na nila. Pagkatapos ay magsimula na ang panahon ng panlipunang rebolusyon. Sa pagbabago ng pang-ekonomiyang pundasyon ang buong napakalaking super-istruktura ay humigit-kumulang mabilis na nagbabago. Sa pagkonsidera sa naturang transpormasyon dapat laging pag-ibahin ang materyal na transpormasyon ng pang-ekonomiyang mga kondisyon sa produksyon, na ma-determina sa kawastuhan ng natural na syensya, at sa legal, pulitikal, relihiyoso, artistiko o pilosopiko - ideolohikal na mga porma kung saan ang tao ay naging mulat sa kontradiksyong ito at nakibaka laban dito. Gaya ng ang ating opinyon sa isang indibidwal ay hindi nakabatay kung ano ang iniisip niya sa kanyang sarili, hindi rin natin mahusgahan ang yugto ng transpormasyon sa kanyang sariling kamulatan; kabaliktaran, ang kamulatang ito ay kailangang ipaliwanag mula sa mga kontradiksyon ng materyal na buhay, mula sa umiiral na kontradiksyon sa pagitan ng panlipunang produktibong mga pwersa at sa mga relasyon ng produksyon. Walang panlipunang kaayusan na maglaho kung hindi pa lubusang umunlad ang lahat ng produktibong mga pwersa sa loob nito; at ang bago, mas taas na mga relasyon ng produksyon ay hindi lilitaw kung hindi pa lubusang nahinog ang materyal na mga kondisyon ng kanilang pag-iral sa sinapupunan ng lumang lipunan mismo. Kaya binibigay lamang ng sangkatauhan sa kanyang sarili ang mga tungkuling kaya nitong magampanan; dahil, kung suriing mabuti, laging makikita na lilitaw lang ang tungkulin mismo kung ang materyal na mga kondisyon para magampanan ito ay umiiral na o nasa proseso ng pagkabuo. Sa malawak na balangkas ang Asyatiko, alipin, pyudal at modernong burges na mga moda ng produksyon ay maituring bilang progresibong mga yugto ng pang-ekonomiyang pormasyon ng lipunan." (Marx, Preface to a Contribution to the Critique of Political Economy)

Ang metodolohiyang ginamit ng pasaheng ito ay nanatiling mahalaga para maintindihan paano ang iba't-ibang lipunan ay lumitaw at naglaho. Ang pag-unawa na ang isang moda ng produksyon ay hindi maglalaho hangga't ang mga relasyon ng produksyon kung saan nakabatay ang sistema ay naging hadlang na sa ibayong pag-unlad ng produktibong mga pwersa ay batayan ng paglalatag ng pampulitikang programa ng proletaryado. Malinaw na pinahayag nila Marx at Engels na ang perspektiba para sa komunistang rebolusyon ay nakatali sa global at istorikal na ebolusyon ng kapitalismo mismo.

Ang hindi masyadong malinaw kay Marx, laluna sa kanyang unang mga sinulat, ay ang aktwal na kahulugan ng "panahon ng panlipunang rebolusyon" sa pag-unlad ng kapitalismo; at ang kakulangang ito ng kalinawan ay obhetibong produkto mismo ng katotohanang ang metodolohiya ng materyalismong istoriko ay lumitaw bago ang bukang liwayway ng panahong iyon: inilabas ni Marx ang kanyang unang malinaw na panawagan ng proletaryong rebolusyon hindi sa yugto ng dekadenteng kapitalismo, kundi sa kanyang pantastikong pagsulong. Ang nalalapit na proletaryong rebolusyon na pinahayag ng Manipesto ng Komunista ay naisantabi sa patuloy na paglago at paglawak ng kapitalistang panlipunang mga relasyon sa buong daigdig. Mali talaga si Marx sa paggiit sa panahong iyon na ang kapitalistang panlipunang mga relasyon ay pumasok na sa ultimong kontradiksyon sa produktibong mga pwersa; kahit na ang tunggalian sa pagitan ng dalawa ay laging laman ng kapitalismo, ang tunggalian ay hindi permanente sa ika-19 siglo dahil napakalawak pa ng lugar ng kapital sa mundo para sa pagpapalawak ng kanyang reproduksyon, para pagaanin ang pundamental na mga kontradiksyon na kinilala ni Marx sa kanyang proseso ng akumulasyon: ang tendensya tungong pangkalahatang labis na produksyon at pagkasaid ng pamilihan, at ang tendensya ng pagbaba ng tantos ng tubo.

Kahit pa sa mga kamaliang ito, sa kabilang banda, nagawa pa rin nila Marx at Engels na ibatay ang kanilang programa sa pagkilala na hindi pa nalubos ng kapitalismo ang kanyang progresibong misyon. Ang rekognisyong ito ay pinahayag halimbawa sa mga pasahe ng Manipesto na nagsasabi hinggil sa mga tungkulin ng proletaryado kung nasa kapangyarihan na ito sa panahong iyon: ang mga hakbanging minumungkahi ay may layuning paunlarin ang kapitalismo sa pinaka-progresibong posibleng paraan, sa halip na durugin ito ng lubusan (at sa gayon ang pananaw ni Marx na isang magandang halimbawa ay sa kasamaang-palad ginawang reaksyunaryong programa ng kapitalismo ng estado ng mga nagdadala ng katulad na hakbangin sa panahong ito). Mas mahalaga, ang praktika ng mga marxista sa Unang Internasyunal ay tamang nakabatay sa pag-intindi na dahil ang kapitalismo ay may progresibong papel pa, kailangang suportahan ng uring manggagawa ang burges na mga kilusan na makatulong sa istorikong paglalatag para sa sosyalismo (halimbawa ang mga pakikibaka para sa pambansang unipikasyon ng Italya, Alemanya at Amerika); ganun din, na kailangan ng mga manggagawa na patuloy na makibaka para sa mga reporma dahil sa paglago ng kapitalismo naging posible ang mga reporma, at dahil ang pakikibaka sa mga reporma ay nakatulong para sila ay maging isang panlipunan at pampulitikang pwersa. Ang materyalistang mga posisyong ito ay pinagtanggol laban sa di-istorikal na mga kahilingan ng mga anarkista para sa kagyat na abolisyon ng kapitalismo at sa kanilang ganap na pagtutol sa pakikibaka para sa mga reporma (ang mga posisyong ito, bagamat diumano ay ultra-rebolusyonaryo, sa aktwal ay nakatago ang peti-burges na kagustuhang ‘pawiin' ang kapitalismo at sahurang paggawa hindi sa pamamagitan ng pag-abante tungo sa istorikal na papalit sa kanila kundi sa pag-atras papunta sa mundo ng independyenteng maliliit na prodyuser).

Ang Ikalawang Internasyunal ay gumawa ng estratehikong pag-angkop sa yugto sa pamamagitan ng mas hayagang elaborasyon sa isang ‘minimum na pro­grama' para sa kagyat na makakamit na mga reporma (rekognisyon sa unyon, pagpaiksi sa araw-paggawa, at iba pa) katabi ng ‘maksimum na programa' ng sosyalismo na ipatutupad pagdating ng di-maiwasang istorikal na krisis ng kapitalismo.

Pero para sa mayorya na pangunahing mga taktisyan at opisyal na mga lider ng Ikalawang Internasyunal ang minimum na programa ay nagiging tanging totoong programa ng sosyal-demokratikong mga partido. Ang sosyalismo, proletaryong rebolusyon, ay naging karaniwang bukambibig na lang sa mga sermon sa panahon ng mga parada sa araw ng paggawa ng Mayo, habang ang enerhiya ng opisyal na kilusan ay lalupang nakonsentra na makakuha ang sosyal-demokrasya ng puwang sa loob ng kapitalistang sistema. Hindi naiwasang ang ‘rebisyunistang' bahagi ng Internasyunal (Bernstein at iba pa) ay nagsimulang itakwil ang ideya mismo sa pangangailangang ibagsak ang kapitalismo at sa rebolusyonaryong transisyon tungong sosyalismo, at nangatwiran sa posibilidad ng gradwal at mapayapang transpormasyon ng kapitalismo tungong sosyalismo.

Ang mga ideolohiyang ito ay inalagaan ng pag-unlad ng pandaigdigang kapitalistang ekonomiya sa huling bahagi ng ika-19 siglo, pero ito na ang huling yugto ng pasulong na martsa ng kapitalistang sistema: ang imperyalistang paglawak ay nagsimula ng maglantad sa sarili bilang simula ng bago at mapaminsalang yugto sa buhay ng burges na lipunan, at ang tunggalian ng uri ay lalupang naging matalas at malawakan (pangmasang mga welga sa Amerika, Alemanya, at higit sa lahat sa Rusya). Laban sa oportunistang teorya ni Bernstein at mga kasama, at sa nakaantabay na sosyal-demokratikong ‘sentro' (Kautsky at iba pa), ang kaliwang bahagi ng Internasyunal - Luxemburg, mga Bolsheviks, ang grupong Dutch Tribune at iba pa - ay pinagtanggol ang pundamental na marx­istang diktum sa pangangailangan ng marahas na pagpabagsak sa kapitalismo. Ang pinakamalinaw na pahayag ng pagtatanggol na ito ay ang Social Reform or Revolution ni Luxem­burg (1898) kung saan, habang kinikilala na ang kapitalismo ay nasa pasulong na yugto pa sa pamamagitan ng "bruskong pagpapawalak" (i.e. imperyalismo), ay ginigiit na ang sistema ay hindi maiwasang tutungo sa pagkasaid ng pandaigdigang pamilihan, na magtulak sa kanya sa "krisis ng katandaan" at magdulot ng kagyat na pangangailangan para sa rebolusyonaryong pag-agaw ng kapangyarihan ng proletaryado. Sa 913 inilathala ni Luxemburg ang kanyang mahalagang teoritikal na sulatin, Ang Akumulasyon ng Kapital, na nagtangkang suriin ang totoong pang-ekonomiyang mga ugat ng istorikong krisis na ito, kung saan ang aktwal na pagdating ay inihayag sa sangkatauhan sa porma ng unang pandaigdigang imperyalistang digmaan.

Binatay ang sarili sa paggiit mismo ni Marx na ang kalikasan mismo ng relasyon ng sahurang paggawa ang dahilan na imposible sa kapitalismo na ma-realisa ang lahat ng labis na halaga na nakuha niya sa kanyang sariling panlipunang mga hangganan, ang kongklusyon ni Luxemburg na ang istorikong pagbulusok-pababa ng kapitalismo ay magsimula sa panahon na masaid na ang ekstra-kapitalistang pamilihan kaugnay sa dami ng labis na halagang nagawa ng pandaigdigang kapitalistang produksyon; para kay Luxemburg, ang kapitalismo ay "...ang unang moda ng produksyon ng ekonomiya na hindi iiral sa kanyang sarili, na nangangailangan ng ibang pang-ekonomiyang mga sistema bilang midyum at teritoryo. Kahit nagsisikap itong maging unibersal, at syempre dahil sa ganitong tendensya ay kailangan nitong mawasak - dahil ang kalikasan nito ay walang kapasidad na maging unibersal na porma ng produksyon." (Akumulasyon ng Kapital). Sa suma, sa panahon na nangibabaw na siya sa daigdig, nahulog ang kapitalismo sa permanenteng krisis ng labis na produksyon.

Ang kongklusyong ito ang nanatili ngayon na pinakamalinaw na pahayag hinggil sa pundamental na pinanggalingan ng dekadenteng kapitalismo, syempre patuloy itong pinalalim ng iba't-ibang teoritikal na elaborasyon na pinahayag ng rebolusyonaryong kilusan mula sa karanasan ng dagdag na walumpung taong pagbulusok-pababa.

Ang pagputok ng imperyalistang digmaan sa 1914 ay tanda ng istorikal na pagpihit kapwa sa kasaysayan ng kapitalismo at sa kilusang manggagawa. Hindi na naging teoritikal na debate ang problema ng "krisis ng katandaan" sa pagitan ng iba't-ibang bahagi ng kilusang manggagawa. Ang pag-intindi na ang digmaan ay tanda ng bagong yugto sa kapitalismo bilang istorikal na sistema ay naging batayan ng tunay na marxistang mga tunguhin na iguhit ang makauring kaibahan sa pagitan nila at sa mga naging protektor ng imperyalistang digmaan. Hindi aksidente na ang kaibahan ay esensyal na ginuhit sa pagitan ng lumang oportunistang bahagi ng sosyal-demokrasya - ngayon ay hayagan ng kumikilos bilang sarhentong tagarekrut ng burgesya - at ng kaliwang mga praksyon na dati ay tumindig sa mga prinsipyo ng marxistang teorya ng krisis. Ang grupong Internationale ni Luxemburg, praksyong Bolshevik ni Lenin, ang kaliwang mga radikal ng Bremen - ang mga ito at iba pa ang tumindig sa mga prinsipyo ng proletaryong internasyunalismo, nanindigan na pinakita ng digmaan ang pagbukas ng yugto ng mga "digmaan at rebolusyon" na hinulaan ni Marx, at nanawagan sa proletaryado na tutulan ang imperyalistang gera sa sarili nitong rebolusyonaryong pakikipaglaban.

Sa mga rebolusyonaryong nagtipon sa mga kumperensya ng internasyunalistang oposisyon sa Zimmerwald at Kienthal, ang pinakamalinaw sa usapin mismo ng digmaan ay ang mga Bolshevik, kasama ang mga radikal na Aleman ay giniit ang islogan na "gawing digmaang sibil ang imperyalistang digmaan", matalas na naimarka ang rebolusyonaryong posisyon sa digmaan mula sa iba't-ibang sentrista at semi-pasipista na mga tunguhin. At habang nahihinog ang rebolusyonaryong sitwasyon sa Rusya, ang pag-unawa ng mga Bolshevik (at higit sa lahat si Lenin) sa mga tungkulin ng bagong panahon ang dahilan kung bakit nagawa nilang atakehin ang mekanistiko at makabayang hungkag na mga argumento ng mga Menshevik; habang ang huli ay angtangkang pigilan ang taog ng rebolusyon sa pamamagitan ng pangatwirang ang Rusya ay ‘napakaatrasado' para sa sosyalismo, itinuro ng mga Bolshevik na ang pandaigdigang imperyalistang katangian ng digmaan ay nagpahiwatig ng pagkahinog ng pandaigdigang kapitalistang sistema para sa sosyalistang rebolusyon. Kaya matapang silang nangatwiran para sa pag-agaw ng manggagawang Ruso sa kapangyarihan bilang simula ng pandaigdigang proletaryong rebolusyon.

Para din sa interes ng pandaigdigang rebolusyon naging instrumental ang Bolshevik sa pagbuo ng Komunistang Internasyunal sa 1919. Ang rebolusyonaryong mga partido na humawak sa bandila ng Ikatlong Internasyunal ay lubusang mulat sa krusyal na kahalagahan ng pagtukoy sa istorikong yugto para sa elaborasyon ng komunistang programa:

"Mga layunin at Taktika

1. Ang kasalukuyang panahon ay panahon ng pagkawasak at pagbagsak ng buong pandaigdigang kapitalistang sistema, na kasama nitong kaladkarin ang buong sibilisasyon ng Uropa kung ang kapitalismo kasama ang kanyang walang kalutasang mga kontradiksyon ay hindi madurog.

2. Ang tungkulin ng proletaryado ngayon ay kagyat na agawin ang kapangyarihan ng Estado. Ang pag-agaw ng kapangyarihan ng Estado ay nagkahulugang durugin ang makinarya ng Estado ng burgesya at ang organisahin ang bagong makinarya ng kapangyarihan ng proletaryado."

(Mula sa ‘Imbitasyon para sa Unang Kongreso ng Komunistang Internasyunal', Enero 24, 1919)

Ang mga proklamasyon ng Unang Kongreso ng KI ay nagpakita ng umalingawngaw na kalinawan at tiwala hinggil sa rebolusyonaryong mga tungkulin ng uring manggagawa. Ang kanilang buong pagdidiin ay ang kagyat na pag-agaw ng kapangyarihan ng mga manggagawa, batay sa diktadura ng mga konseho ng manggagawa. Ang resulta ay malinaw na pag-unawa hinggil sa pangangailangang kumalas sa lumang mga layunin at organisasyon ng wala-pang-digmaan na kilusang manggagawa: ang sosyal-demokratikong mga partido na sumuporta sa digmaan at pagkatapos ay ginawa ang lahat ng makakaya para durugin ang pagkatapos-ng-digmaan na rebolusyonaryong kilusan ay tinuligsa bilang mga ahente ng kapitalismo, at ang kooperasyon sa mga organong ito ay itinakwil; tinitingnan ang parlyamentarismo na wala ng kapasidad na magsilbi sa mga interes ng uring manggagawa; ang problema sa kolonyal na pang-aapi ay maresolba lamang sa konteksto ng pandaigdigang sosyalistang lipunan. Ang mga ito at iba pang mga posisyon ay sumasalamin sa pasulong na taog ng rebolusyon na noon ay sumakop sa buong mundo. Pero ang sumunod na mga kongreso ng Internasyunal, at laluna sa Ikatlo, sa 1921, ay nagpakita ng palatandaan ng paghina sa pagkamakatwiran at rebolusyonaryong mga prinsipyo, at ito ay nasalamin sa paghina ng pandaigdigang rebolusyon at sa lumalalang paghina ng partidong Bolshevik sa konteksto ng pagkabukod ng Sobyet na Estadong Ruso. Habang ang huli ay lalong tumatangan sa tungkuling pangasiwaan ang pambansang kapital ng Rusya, at habang lalupang nasanib ang partidong Bol­shevik sa estado, ang Internasyunal mismo ay nagsimulang kumilos bilang instrumento ng patakarang panlabas ng Rusya kaysa bilang partido ng pandaigdigang rebolusyon. Ang desperadong pagtatangka ng mga Bolshevik na isalba ang anumang mahalagang bagay mula sa kontra-rebolusyonaryong momentum ay humatak sa kanila na iwan ang matalas na rebolusyonaryong mga posisyon ng Unang Kongreso at naanod pabalik sa lipas na mga taktika sa nagdaang panahon: parlyamentarismo, unyonismo, pakipag-isang prente sa sosyal-demokratikong mga partido, suporta sa pakikibaka ng pambansang pagpapalaya sa mga kolonya, at iba pa. Ang pagbigay katwiran sa mga taktikang ito sa pamamagitan ng rebolusyonaryong pananalita ay hind bumabago sa katotohanang ang pagbabago ng istorikong yugto ang dahilan na ang mga taktikang ito ay direktang kontra-rebolusyonaryo na, anupaman ang mga intensyon ng mga gumagamit nito.

Ang nasa dulong kaliwa ng kapitalismo -- mga Stalinista, Trotskyista, at iba pa -- na kumikilos sa hanay ng uring manggagawa ang tunay talaga na mga tagapagmana ng kontra-rebolusyonaryong mga patakaran na ito; ang dating mga pagkakamali ng kilusang manggagawa ay nagiging raison d'etre ng burges na mga gangster na ito. Syempre ang mga Stalinista at Trotskyista ay ipokritong magsasabi ng iba't-ibang konsepto ng dekadenteng kapitalismo, pero nawalan ito ng anumang materyal na batayan kung ikonsidera ang buong kasaysayan nila nang ang mga tunguhing ito ay kinilala ang malaking bahagi ng mundo na ‘sosyalista' o ‘di-kapitalista', at kung gayon ay istorikal na pasulong at nararapat na suportahan ng mga ‘rebolusyonaryo'; kahit ang mga kaliwa na kinikilala na estadong kapitalista ang Stalinistang mga rehimen ay hindi nag-atubiling suportahan ang mga ito o ang iba't-ibang mga bansa sa ikatlong daigdig sa di mabilang na inter-imperyalistang mga digmaan na sumira sa planeta simula Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa anumang kaso ang aplikasyon ng teorya ng dekadenteng kapitalismo sa mga bansa na kinukonsidera ng mga kaliwang ito na kapitalista ay ganap na napailalim sa kanilang kagyat na pragmatikong pangangailangan bilang protektor ng kapital: walang saysay ang sinasabing kapitalismo ng estado ng British Socialist Workers Party, halimbawa, ang nakapigil dito na makita na may progresibo sa nasyunalisasyon at may makauring proletaryo sa mga Partido ng Paggawa o Komunista.

Sa panahon ng unang dakilang rebolusyonaryong alon, ang tunay na resulta ng materyalistang pagsusuri sa bagong panahon ay esensyal na pinapaliwanag ng mga kaliwang komunista na nakibaka laban sa paghina ng KI, sa partikular ng Alemang KAPD (Partido Komunista ng mga Manggagawa). Ang mga interbensyon ng KAPD sa Ikatlong Kongreso ng KI ay tungkol sa mga tungkuling iniatang sa mga rebolusyonaryo sa bagong panahon, at halos simbolikong kumakatawan sa pundamental na biyakang naganap sa kilusang manggagawa ng panahong iyon.

Hinggil sa interpretasyon sa pandaigdigang krisis, ang militante ng KAPD na si Schwab, iginiit ang pundamental na pagkakaiba sa yugto ng pasulong ng kapitalismo sa kanyang yugto ng pagbulusok-pababa, at may pag-unawa na ang istorikong pagbulusok na ito ay hindi nagkahulugan ng ganap na istagnasyon ng produktibong mga pwersa kundi ang tuloy-tuloy na lalupang paninira ng kapitalismo. "Muling magbuo ang kapital, panatilihin ang kanyang tubo, pero sa kapinsalaan ng kanyang produktibidad. Muling binuo ng kapital ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsira sa ekonomiya". Dito ay may pananaw na sa walang silbing produksyon, di-nagagamit na kapital, at higit sa lahat ang halinhinan ng krisis, digmaan at rekosntruksyon na esensyal na mga katangian ng dekadenteng yugto ng lipunang kapitalista.

Syempre, di maiwasang limitado pa ang pang-unawa ng kaliwang komunista sa istorikal na panahong kinalagyan nila dahil di pa ito matagal na lumitaw mula sa lumang yugto; at lalupang naging limitado dahil sa mabilis na pangibabaw ng kontra-rebolusyon na nagkaroon ng mabigat na impluwensya sa kanilang mga organisasyon. Sa puntong ito, mas estratehiko kaysa pang-ekonomiyang pagsusuri na inihapag ng mga kaliwang komunista sa maagang bahagi ng 1920s ay ang kanilang  matatag na paggiit na ang proletaryado ay dapat lubusang tumiwalag sa mga pamamaraan ng lumang yugto - ibig sabihin, ang pamamaraan ng repormismo - at iangkop ang sarili sa mga tungkuling iniatang ng yugto ng panlipunang rebolusyon. Sa materyalistang batayang ito, at hindi dahil sa kanilang namanang ‘anarkista' o ‘musmos' na katangian, itinakwil ng mga kaliwang komunista ang mga taktika ng Internasyunal. Kaya, sa Ikatlong Kongreso ng KI, habang kinilala na inoobliga ng pasulong na yugto ang uring manggagawa na mag-organisa ng parlyamentaryong mga praksyon, giniit ng KAPD ngayon na "ang himukin ang proletaryado na sumali sa mga eleksyon sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ay pagbuhay sa ilusyon na ang krisis ay mapangibabawan sa pamamagitan ng paraang parlyamentaryo."

Ganun din sa usapin ng mga unyon: pinakita ng KAPD na ang mga organisasyong itinayo para depensahan ang uring manggagawa sa panahon na posible pa ang tunay na mga reporma ay hindi lang di na angkop ngayon bilang instrumento ng pagrebolusyon, kundi naging tagasuporta na ng kapitalistang kaayusan na dapat ibagsak ng rebolusyonaryong uring manggagawa. Ito rin ang kaso sa sosyal-demokratikong mga partido. Kaya ang mga kaliwang komunista ay tumangging makipag-isang prente sa naging bahagi na ng makinarya ng estado ng kaaway na uri.

Ang mga pagsusuring ito ay hindi pa ganap na nabuo at nanatiling may laman ng maraming salungatan - halimbawa ang ilusyon ng KAPD na maaring palitan ang mga unyon ng permanenteng mga ‘organisasyon sa pabrika' na may rebolusyonaryong katangian, isang posisyon na may impluwensya ng anarko-sindikalismo at kung gayon ay isang porma ng unyonismo. Ang iba pang mga kahinaan ay nagkaroon ng mahalagang papel - sa partikular ang mapaminsalang pagpihit tungo sa teorya na ang rebolusyong Oktubre ay isang ‘dalawahan' o isang dalisay na burges na rebolusyon, isang teorya na ganap na nagpawalang-bisa sa pandaigdigang pagbulusok-pababa ng kapitalismo. Kabalintunaan, pero siguro hindi maiwasan, ang mas malalim na pag-intindi sa dekadenteng kapitalismo ay lumitaw lamang sa nakakakilabot na karanasan ng kontra-rebolusyon, kung saan napaliit ang tunay na rebolusyonaryong mga tunguhin sa maliliit na mga grupo na nagsisikap mahalaw ang mga aral ng kabiguan at hugisan ang pangunahing mga katangian ng bagong yugto.

Sa 1930s, kung saan nakita ang tagumpay ng kontra-rebolusyon at lumitaw ang pinakadalisay na mga ekspresyon ng kapitalistang pagkaagnas (Nazismo, Stalinismo, ekonomiya ng digmaan, at iba pa), ang praksyon na nagpaunlad ng pinaka-sistematikong pagsusuri sa yugto ay ang pinatapong kaliwang Italyano sa pamamagitan ng rebyung Bilan (i.e. ‘balance sheet' - ang salaysay ng mga aral ng rebolusyonaryong alon at ang kanyang pagkatalo). Ang aplikasyon ng Bilan sa teorya ng pagbulusok-pababa ay sentral sa mga klaripikasyon na ginawa nila hinggil sa maraming mga aspeto ng komunistang programa, sa partikular ang kanilang ganap na pagtakwil sa pambansang mga kilusan kahit saang sulok ng mundo, dahil reaksyunaryo na ang papel ng burgesya sa bagong panahon , pareho sa mga kolonya at sa mga bansang sentro ng kapitalismo.

Ang kalinawang naabot ng kaliwang Italyano ay masukat sa artikulong lumabas sa 1934 (‘Crises and Cycles in the Economy of Capitalism in Agony', Bilan 11, September 1934). Ang sumulat, si Mitchell, ay binaybay ang maraming malalim na galaw ng kapital sa panahon ng kanyang pagbulusok-pababa. Pinaunlad ang kanyang argumento sa batayan ng teorya ng pagbagsak ni Rosa Luxemburg, tinukoy ni Mitchell na ang pagkaagnas ng kapitalistang moda ng produksyon ay nagsimula sa 1912-14 at bilang proseso kung saan "ang kapitalistang lipunan, dahil sa malalang katangian ng mga kontradiksyong nasa loob mismo ng kanyang moda ng produksyon, ay hindi na makagampan ng kanyang istorikong misyon: patuloy at progresibong paunlarin ang produktibong mga pwersa at ang produktibidad ng paggawa. Ang pag-alsa ng produktibong mga pwersa laban sa kanilang pribadong pag-aari, na dati kalat-kalat, ay naging permanente. Pumasok na ang kapitalismo sa kanyang pangkalahatang krisis ng pagkaagnas".

Pinakita ni Mitchell ang esensyal na pagkakaiba ng halinhinang krisis ng pasulong na kapitalismo at sa mga yugto ng biglang paglakas at pagbagsak ng pagbulusok-pababa. Kung sa unang yugto, ang mga panahon ng krisis ay kailangan sa patuloy na ekspansyon ng pandaigdigang kapitalistang pamilihan, ang pagkasaid ng pamilihan na dala ng bagong panahon ay nagkahulugan na ang krisis ng kapitalismo ay ‘maresolba' lamang sa pamamagitan ng imperyalistang mga digmaan:

"Sa kanyang yugto ng pagbulusok-pababa, magabayan lamang ng kapitalismo ang mga kontradiksyon sa kanyang sistema sa iisang direksyon: digmaan. Makaligtas lamang ang sangkatauhan sa ganung kahihinatnan sa pamamagitan ng proletaryong rebolusyon".

Halos tumpak na prediksyon, sinabi ng awtor ang maaring mangyari sa darating na panahon:

"Anuman ang pagpihit, anuman ang paraang gamitin nito para makaalpas sa krisis, hindi maiwasang matutulak ang kapitalismo tungo sa kanyang kapalaran na digmaan. Saan at paano ito lilitaw ay imposbleng masabi sa ngayon. Ang mahalagang malaman at mahawakan ay sasabog ito sa pananaw na mahati ang Asya at ito ay pandaigdigan".

Nagtapos si Mitchell sa isang babala laban sa kapitalistang alternatiba ng ‘pasismo laban sa demokrasya', na walang iba kundi paraan para ilihis ang proletaryado sa kanyang makauring pakikibaka at mobilisahin ito para sa kapitalistang gera. Pero ang uring manggagawa ng mga panahong iyon ay dumanas na ng maraming pagkatalo para pakinggan ang mga babala ng komunistang mga praksyon, at wala ding ilusyon ang mga praksyon mismo dahil sa lawak ng kabiguang naranasan ng uri.

Katabi ng kaliwang Italyano, ang mga konsehilistang komunista (mga labi ng KAPD, kaliwang Dutch at iba pa) nag-iisang tumindig sa kanilang pagtatanggol sa internasyunalistang mga prinsipyo sa harap ng imperyalistang masaker sa Espanya at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Subalit habang ang mga konsehilistang komunista ang unang kumilala na ang ‘estado ng manggagawa' sa USSR ay isang kapitalismo ng estado, teoritikal sila na nagapos sa kanilang matigas na paniniwalang ang Oktubre 1917 ay isang burges na rebolusyon; ito ang pumigil sa kanila sa isang mahalagang realisasyon na ang kapitalismo ng estado ay isang unibersal na tendensya ng dekadenteng kapitalismo. Sa Amerika, si Paul Mattick ay nagsimulang magpaliwanag sa teorya ng permanenteng krisis batay sa pagdidiin ni Grossman sa pagbaba ng tantos ng tubo bilang batayang nagdetermina sa krisis, pero ang kanyang metodolohiya ay nagdala sa kanya sa maraming kalituhan, gaya ng pagtingin na ang kapitalismo ng estado ay isang bagong moda ng produksyon na walang imperyalistang galaw, at kaya, progresibo. Bilang resulta nag-atubili si Mattick sa katangian ng Tsina, sa digmaan sa Vietnam, at iba pa.

Ang paliwanag sa komunistang teorya matapos ang Ikalwang Digmaang Pandaigdig ay makikita sa pinaka-matalas na ekspresyon doon sa mga nagtangkang sumahin ang kontribusyon kapwa ng kaliwang Italyano at kaliwang Aleman at Dutch. Ang Gauche Communiste de France, sa kanyang publikasyong Internationalisme, na tumiwalag sa mga elemento ng kaliwang Italyano na hayagang nagnanais magtayo ng isang partido sa panahon ng reaksyon, ay nagawang lagumin ang marami sa mga pananaw ng kaliwang Aleman hinggil sa relasyon ng partido at mga konseho ng manggaagwa, bagay na hindi masyadong malinaw sa Bilan. Mas importante pa, bumalangkas ito ng malinaw na analisis sa tendensya ng dekadenteng kapitalismo tungo sa estadipikasyon, at kaya nagawa nitong maintindihan ang kapitalistang katangian sa Rusya at sa mga bansang umaasa sa kanya na hindi nagkamaling tawagin ang Oktubre 1917 na isang burges na rebolusyon.

Naglaho ang GCF sa 1952 sa ilalim ng napakalaking presyur mula sa kontra-rebolusyon na pinalakas lamang ng ikalawang digmaang pandaigdig at sa tagumpay ng ‘demokrasya' sa pasismo. Hindi sapat ang kalinawan ng grupo na hindi nito nakitang ang digmaan ay nagbigay sa pandaigdigang kapital ng temporaryong sandaling ginhawa: ang napakalaking ‘biglang paglakas' sa 50s at 60s ay nakabatay sa rekonstruksyon sa mga ekonomiya sa Uropa at Hapon na sinira ng digmaan at sa bagong pang-ekonomiyang kaayusan na kinatatangian ng napakalaking superyoridad ng imperyalismong US. Ang nakakagulat na datos-ng-paglago sa panahong ito ay nagdala sa maraming mga sosyolohista, at maging mga elemento sa rebolusyonaryong kilusan, sa pag-teoritisa ng isang bagong ‘malaya-sa-krisis' na kapitalismo at sa ‘burgesisasyon' sa uring manggagawa.

Pero sa Venezuela sa kalagitnaan ng 60s isang maliit na grupo ang binuo ng isa sa nangunang mga elemento ng dating GCF. Ang bagong grupong ito, Internacialismo, ay pinaunlad ang sulatin ng huli sa pamamagitan ng paglarawan sa buong halinhinan ng dekadenteng kapitalismo: krisis, digmaan, rekonstruksyon, panibagong krisis ... at, sa batayan ng ganitong pag-unawa, nagawa nitong mahulaan ang pagtapos ng biglang paglakas, ang pagbukas ng bagong yugto ng hayagang krisis, at ang internasyunal na muling pagbangon ng mga pakikibaka ng henerasyon ng mga manggagawa na hindi na paralisado ng teror at ilusyon ng kontra-rebolusyon.

Ang perspektibang ito ay saktong kinumpirma ng malakihang mga pakikibaka sa Mayo-Hunyo ‘68 sa Pransya at sa sumunod na internasyunal na alon ng makauring kilusan, at ang nakitang malalim na krisis sa pandaigdigang pang-ekonomiyang krisis sa maagang bahagi ng 70s, na nagpatalas sa tensyon sa pagitan ng imperyalistang mga bloke ng US at Rusya: sa suma, muling naharap ang sangkatauhan sa istorikong suliranin sa pagitan ng pandaigdigang digmaan - na nagkahulugan ngayon sa pagkasira mismo ng buong sangkatauhan - at pandaigdigang rebolusyon, ang pagbuo ng komunistang lipunan.

Instrumental ang grupong Internacialismo sa pagkatayo ng Revolution Internationale sa Pransya, pagkatapos kaagad ng mga pangyayari sa Mayo 68. Ang pangunahing laman ng munting aklat na ito ay ang serye ng mga artikulong nilathala sa unang mga isyu ng Revolution Internationale (no.5, old series, at nos. 2, 4 and 5 new series), at bumuo mismo sa permanenteng kontribusyon sa teorya ng pagbulusok-pababa. Pero may susing papel din ang RI sa pormasyon ng magkatulad na mga grupo sa ibang mga bansa, na nagtipon sa 1975 para buuin ang Internasyunal na Komunistang Tunguhin.

Sa buong 70s at 80s, sistematikong hinugisan ng IKT ang direksyon ng krisis, pinakita ang mga salik na nagpaliwanag kung bakit ito ang pinakamatagal, pinakalalim na krisis sa kasaysayan ng kapitalismo, isang tunay na ekspresyon ng naghihingalong sistema. Sinundan nito ang pag-unlad ng imperyalistang mga antagonismo, sa partikular ang opensiba ng blokeng US matapos sakupin ng Rusya ang Afghanistan, ang lumalaking pagkubkob sa USSR na may ultimong layunin na tanggalin sa huli ang kanyang istatus bilang pandaigdigang kapangyarihan. Inilarawan din ng IKT ang hindi patas pero totoong pag-unlad ng makauring kamulatan sa panahong ito, sa dalawa pang internasyunal na alon ng makauring pakikibaka (1978-80, 1983-89).

Sa kataposan ng 80s, naabot ng dekadenteng kapitalismo ang isang mahalagang pagpihit. Ang patuloy na pakikibaka ng mga manggagawa ang humarang sa daan ng pandaigdigang digmaan, pero hindi pa sapat ang kamulatan ng proletaryado para sa usapin ng rebolusyon; bilang resulta, ang paglala ng pang-ekonomiyang krisis ay nagbukas sa pangkalahatang proseso ng panlipunang pagkaagnas: lubhang nabulok na ang buong kapitalistang lipunan, nagkawatak-watak. Ang prosesong ito ay produkto, at pinabilis ng biglaang pagbagsak ng blokeng Ruso at nagbunga ng dislokasyon sa kanyang mga katunggali sa kanluran, istorikal na mga pangyayari na depinidong nagbukas sa huling yugto ng kapitalistang pagkabulok, ang yugto ng pangkalahatang dekomposisyon. Sa kawalan ng imperyalistang mga bloke, natanggal na sa agenda sa hinaharap ang pandaigdigang digmaan - pero hindi nito nabawasan ang pagkahilig ng dekadenteng kapitalismo sa militarismo at imperyalismo. Kabaliktaran, tulad ng malinaw na pinakita ng malakihang masaker sa Gulpo sa pagpasok ng 1991, ang proseso mismo ng dekomposisyon, kasama ang tuloy-tuloy na mga lokal at rehiyonal na tunggalian, ‘police actions' ng malaking kapangyarihan, ng malawakang gutom at ekolohikal na pagkasira, ang mga banta sa kaligtasan ng sangkatauhan.

Ang IKT ay hindi lang ang organisasyon sa proletaryong kilusan na tumindig sa teorya ng pagbulusok-pababa. Pero siya lang ang tanging nagturo at nagsuri sa huling yugto na ito. Ang tekstong ‘Dekomposisyon, huling yugto ng dekadenteng kapitalismo' na unang nilathala sa ating International Review 62 sa tag-init ng 1990. (Tingnan sa Apendiks 2)

Gaya ng makita sa maiksing istorikal na pagbaybay na ito, ang teorya ng pagbulusok-pababa ay hindi imbensyon ng IKT, kundi tunay na namana mula sa buong marxistang tradisyon, at napakahalagang batayan sa anumang konsistent na rebolusyonaryong pagkilos. Kung hindi kilalanin ang yugto kung saan ito ay pinapatupad, ang programa ng pampulitikang organisasyon ng proletaryado ay walang materyal na pundasyon, walang oryentasyon sa kanyang analisis o sa kanyang interbensyon sa loob ng uri. Kung hindi mahigpit na hawakan ang dekadenteng kapitalismo, walang matibay na depensa sa makauring pronterang maghihiwalay sa proletaryo mula sa kampo ng burgesya. Masaklap itong pinakita sa pagbagsak ng ‘Bor­digistang' Internasyunal na Partido Komunista (Programa ng Komunista) sa maagang bahagi ng 80s. Kahit inangkin ng tendensyang ito na siya ang tunay na tagapagmana ng tradisyon ng kaliwang Italyano, tinakwil nito ang nosyon ng pagbulusok-pababa na napakahalaga sa mga sulatin ng Praksyong Italyano sa 30s. Sa partikular, itinakwil nito ang ideya na dahil ang dekadenteng kapitalismo ay isang pandaigdigan na penomenon, wala ng progresibong papel ang mga kilusan para sa ‘pambansang pagpapalaya' sa hindi maunlad na mga rehiyon. Binigyang diin ang baog na teorya ni Bordiga hinggil sa  ‘di-nagbabago' ang marxismo mula 1848, para sa IPK may rebolusyonaryong kahalagahan ang lahat ng klase ng digmaan para sa pambansang pagpapalaya - lahat ng ito ay katunayan mga panghaliling digmaan sa pagitan ng dalawang imperyalistang mga bloke o sa pagitan ng ibang lokal o rehiyonal na imperyalistang mga pating. Pagpasok ng 80s ang pagsuporta ng IPK sa Palestinong nasyunalismo ay nagtulak sa isang paksyon sa loob nito sa kampo ng kaliwa-ismo, at nagbunga ito ng pagsabog ng buong internasyunal na organisasyon.

Sa kabilang banda, ang mga grupong nagtangkang ipagtanggol ang makauring mga posisyon tulad ng mga isyu sa usaping pambansa o unyon habang itinanggi ang nosyon sa pagbulusok-pababa ay halos ganun din ang nangyari. Makita ito sa nangyari sa Groupe Communiste Interna­tionaliste: nagsimula sa pag-angkin na isang marxistang ultra-orthodox, ang grupong ito ay, sa pamamagitan ng kanyang matigas na pagtakwil sa halos lahat ng teoritikal na posisyon ng pulitika ng komunisatng kaliwa sa nagdaang limampung taon, lalong nahulog tungo sa modernismo at anarkismo. Ganun din ang kapalaran ng ilang mga grupong konsehilista na tutol din sa nosyon ng pagbulusok-pababa. Angkop sa panahon na ipaalala sa lahat na sumusunod sa kasalukuyang uso ng pagmamaliit sa teorya ng pagbulusok-pababa at naghahanap ng alternatibang paliwanag at peryodisasyon - halimbawa ang maling aplikasyon ng konseptong ‘pormal at tunay na dominasyon ng kapital', na pinaliwanag ni Marx para ilarawan ang ilang mahalagang pagbabago na nangyari sa loob ng pasulong na yugto. Ang ‘usong' ito ay sinagot ng IKT sa serye ng mga artikulo sa kanyang International Review. Katunayan, ang mga seryeng ito ay dagdag na pagpaunlad sa teorya ng pagbulusok-pababa.[1]

Ang pag-aaral sa pag-intindi sa dekadenteng kapitalismo ay nagpapatuloy. Pero ang teoryang ito ay higit sa lahat, gabay sa pagkilos, sa interbensyon ng mga rebolusyonaryo sa istorikal na sitwasyon kung saan ang kaligtasan mismo ng sangkatauhan ang nakataya. Ang maliit na aklat na ito ay nagsimula sa mataas na istroikal na imbestigasyon sa pagbulusok-pababa sa nagdaang makauring mga lipunan (isang tsapter na hindi nalathala ng buo sa English noon), at pinasok ang maraming komplikadong teoritikal na mga isyu hinggil sa katangian ng kapitalistang ekonomiya sa panahong ito. Subalit ang pag-aaral na ito ay walang anumang pretensyong akademiko; ang kanyang tanging layunin sa imbestigasyon sa realidad ng kasalukuyang kapitalismo ay para maarmasan ang militanteng pakikibaka laban dito.

[Maiksing pahayag na wala sa Footnotes]

Ang istadistiskang pinagsanggunian na nasa aklat na ito ay tinipon sa 1970s at malinaw na ngayon ay 'lipas na', pero sa punto lamang na ang patuloy na pagkabulok ng lipunang ito ay kumpirmasyon sa mga tendensyang inilarawan nila. Ang International Review ng IKT ay naglathala ng regular na mga impormasyon sa 'progreso' ng kapitalistang krisis, at hinikayat natin ang mambabasa na tingnan ang mga artikulong ito.

 


 


[1] Tingnan ang mga isyung 48, 49, 50, 54, 55, 56, 58, 60.

1. Ang paglitaw at pagbagsak ng makauring mga lipunan

Para maipaliwanag ang dekadenteng kapitalismo, ang ating pamamaraan ay ang sumusunod:

 - sa pag-aaral sa pangunahing panlipunang mga transpormasyon sa istorikal na proseso mailatag natin ang pangkalahatang konsepto ng pagbulusok-pababa ng moda ng produksyon; pagkatapos ay ilapat natin ang pangkalahatang konseptong ito sa ispisipikong kaso ng kapitalismo at subukan nating hinuhain ang pampulitikang mga epekto mula dito.

 - at, para magawa ito, tulad ni Marx, una nating ikonsidera "ang materyal na transpormasyon ng pang-ekonomiyang mga kondisyon ng produksyon" , at ikalawa "ang legal, pulitikal, relihiyoso, artistiko o pilosopikal - sa madaling sabi, ang ideolohikal na mga porma kung saan ang tao ay naging mulat sa tunggaliang ito at labanan ito".

Ang materyal na transpormasyon sa pang-ekonomiyang mga kondisyon

Ang pagbagsak ng primitibong komunismo

Ang porma ng panlipunang organisasyon sa simula ng sangkatauhan ay ang tinawag ni Marx na ‘primitibong komunismo'. Sa kabila ng pagkakaiba sa lokal na klima, istoriko, o iba pang mga elemento, ang esensyal na mga katangian ng primitibong mga lipunan ay ang kolektibong pag-aari sa mga kagamitan ng produksyon (sa esensya ay lupa) at kolektibong paggawa sa agrikultura at sa pangangaso, ang mga produkto ay pantay na hinati sa buong populasyon. Ang ideya na ang pribadong pag-aari ay bagay na likas sa katangian ng tao ay isang alamat na pinatanyag ng mga ekonomistang burges simula sa ika-18 siglo; ang layunin ay ipakita na ang kapitalismo ay isa sa pinaka-natural, at pinakamahusay na umaayon sa kalikasan ng tao.

Sa kabilang banda, ang pantay na mga relasyong ito ay hindi produkto ng ideolohiyang pangkapatiran o gawa ng Diyos na sabik tiyakin ang pagkapantay-pantay sa kanyang mga nilalang. Ito ay dahil sa kakulangan ng kapangyarihan ng tao sa harap ng isang natural na kapaligiran na kasing sama sa mahinang mga teknika ng tao, na siyang nagbunsod para sa pangangailangan ng panlipunang pagkakaisa, na pumilit sa tao na mabuhay sa mga komunidad gamit ang kanilang mga kagamitan sa produksyon sa pantay na paraan. Ang pantay na ideolohiyang umiral noon ay bunga ng mga relasyong ito at hindi ang kanilang sanhi:

"Ang moda ng produksyon sa materyal na buhay ang kondisyon para sa proseso ng buhay panlipunan, pulitikal at intelektwal sa pangkalahatan. Hindi ang kamulatan ng tao ang nagdetermina ng kanilang pagkatao, kundi ang kabaliktaran, ang kanilang sosyal na pagkatao ang nagdetermina ng kanilang kamulatan (Marx, Preface to a Contribution to the Critique of Political Economy).

Ganun din, ang paglaho ng primitibong komunismo ay hindi bunga ng pagbabago ng ideolohiya kundi ng paglaho ng materyal na mga kondisyon na siyang lumikha sa naturang lipunan. Kung suriin paano natransporma ang pantay-pantay na mga lipunan tungo sa mga lipunan ng pagsasamantala, sa paglitaw ng mga uri at pribadong pag-aari, makita na bunga ito ng pag-unlad ng mga teknika sa produksyon.

Isantabi natin ang mga kaso kung saan ang ‘progresong' ito ay bunga ng sibilisadong gawain ng mga masaker ng Uropa sa mga kolonya sa ika-15 siglo pataas.

Sa iba't-ibang mga rehiyon sa mundo, at sa iba't-ibang lokal na istorikong mga kondisyon, nagkawatak-watak ang primitibong komunistang mga lipunan at nagbigay daan sa asyatiko o aliping moda ng produksyon.

Pang-aalipin

Nang nasaid na ang yaman ng kanyang teritoryo, o nang umalis na ang mga hayop, o nang masyadong lumaki na ang populasyon kumpara sa kanyang ikabubuhay, naobliga itong magpalawak o lilipat ng bagong mga teritoryo. Sa mga rehiyon kung saan ang bigat ng populasyon ay relatibong mataas - sa Mediterranean halimbawa - ang ekspansyon ay nagawa lamang sa kapinsalaan ng ibang mga komunidad.

Sa simula, ang mga digmaang ibinunsod ng mga pagkilos na ito ay nagkahugis lamang sa di-sinasadyang mga masaker at kanibalismo. Ang kanilang tanging layunin ay agawin ang lupa ng nasakop na mga tao. Hangga't ang antas ng panlipunang produktibidad ay nagpahintulot lamang sa tao na gumawa ng sapat sa kanyang sariling indibidwal na pangangailangan, walang interes ang mananakop na isanib ang bagong mga bunganga sa gutom na komunidad. Posible lamang para sa nasakop na pamayanan na magtrabaho sa kanilang mananakop, na libre at sapilitan, habang gumagawa ng sapat para sa kanilang pangangailangan, kung ang produktibidad ng paggawa ay umabot sa isang takdang antas.[1]

Ang primitibong komunistang mga relasyon ay inabandona para magamit ang mas mataas na antas ng produktibidad sa konteksto ng mga digmaan at pananakop.

Ang Asyatikong moda ng produksyon

Ang pang-ekonomiyang sistemang ito na masama ang pagka-unawa ay sa pangkalahatan bunga ng pangangailangan ng ilang mga komunidad na harapin ang mga problemang ginawa ng kalikasan sa ilang mga rehiyon (tagtuyo, baha, malakas na ulan, atbp). Naobliga ang naturang mga komunidad na mabilis nilang pag-aralan ang halinhinan ng kalikasan at subukan ang irigasyon para matiyak ang kanilang kabuhayan. Ang komplikasyon ng mga gawaing ito, ang teknikal na kaalamang kinakailangan, ang pangangailangan ng awtoridad para i-koordina sila, ay gumawa ng mga suson ng mga ispesyalista (mga pari na bihasa sa pag-aaral at pag-obserba sa kalikasan, ang kadalasan pinanggalingan ng mga grupong ito). Binigyan ng ispisipikong tungkulin sa pagsisilbi sa komunidad, ang mga ispesyalistang ito - na tagapaglikha ng bagong yaman - ay binuo ang mga sarili sa isang naghaharing panlipunang grupo. Progresibo nilang kinuha ang surplas ng lipunan sa kapinsalaan ng kolektibidad. Ang pag-unlad ng produktibong mga pwersa ang bumago sa mga tagasilbi ng lipunan sa pagiging mapagsamantala.

Pinabayaan ng ‘Asyatikong' moda ng produksyon na hindi magbago ang komunal na mga relasyon, bilang batayang mga yunit ng produksyon. Kinuha lang ng nagharing uri ang surplas na ginawa ng mga komunidad. Pero nagawa na ang unang transisyon mula primitibong komunismo. Ang pangangailangang ilapat ang bagong mga teknika ng produksyon bunga ng bagong mga relasyon ng produksyon at iiwanan ang luma.

Sa kalaunan ang introduksyon ng bagong mga teknika ng produksyon ay pinawi ang mga labi ng pagkapantay-pantay ng mga lipunang ito. Halimbawa, ang problema sa pagpataba sa lupa, ang pangangailangang buuin ang matalik na ugnayan sa pagitan ng manggagawa at kalikasan, kadalasan ay nagbunga na iwan ang sistematikong redistribusyon ng mga sakahan ayon sa tradisyon o pangangailangan ng mga pamilya. Ang pangangailangang tiyakin na patuloy na panatilihin ang mga sakahan, o ang bigat ng presyur sa pinansya, ay nagbunga ng pagbabago mula sa komunal tungo sa pribadong pag-aari. At dahil sa huli, umunlad ang hindi pagkapantay-pantay, hanggang ang isang bahagi ng populasyon ay nagtrabaho sa pinakamayamang mga sakahan para sa isang bahagi na bunga ng produksyon. Ganap ng nahati sa mga uri ang lipunan, naging lipunan ng mga magsasaka o pyudalismo.

Pero napunta man sila sa pang-aalipin o despotismo sa silangan (at ang huli ay tumungo sa pyudalismo), bumabagsak ang komunistang mga relasyon dahil sa presyur ng pag-unlad ng mga produktibong mga pwersa, na hindi na umaayon sa lumang balangkas.

"sa takdang yugto ng kanilang pag-unlad, ang mga produktibong pwersa ay bumangga sa umiiral na mga relasyon ng produksyon o sa mga relasyon ng pag-aari kung saan gumagalaw sila hanggang ngayon" (Marx, ibid).

Ang pagbagsak ng pang-aalipin

Ang resulta ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa sa partikular na mga rehiyon kung saan sinakop ng isang pamayanan ang isa pa, ay nagbigay daan sa pang-aalipin para paghati-hatian ng isang panlipunang grupo ang surplas ng paggawa ng buong lipunan. Ang mga may-ari ng mga alipin, bilang nagharing uri na interesado sa tubo at mga prebilihiyo, ay naging motor sa pag-unlad ng produktibong mga pwersa. Subalit, ang pag-unlad na ito ay limitado lamang sa mga digmaan ng pananakop, na pangunahing pinalaki ang bilang ng mga alipin at marami ang mga gawain na naging dahilan ng pangulimbat sa nasakop na mga bansa. Sa batayang ito umunlad ang sibilisasyon ng lumang Gresya at Roma.

Ang ekonomiya ng pang-aaliping Romano - ang pagbulusok-pababa nito na nagbukas ng pintuan sa pyudalismo - ay nakabatay sa pangulimbat at pagsasamantala sa nasakop na pamayanan. Ang huli ay nagbigay sa Roma ng esensyal na mga pangangailangan (pagkain, tributo at mga alipin). Kadalasan ang mga produktong inangkat ay galing sa iba't-ibang moda ng pagsasamantala, gaya ng asyatikong moda ng produksyon. Pero ang sentro mismo ay nabubuhay sa pang-aalipin, ang huli ay higit sa lahat nagpatupad ng malawakng pagsasamantala (olive groves at paghahayupan) at sa napakaraming gawain.

Ang mga gawaing ito ay kadalasang nagsilbi sa pangangailangang militar, na ginagamit sa pagsasamantala sa mga kolonya (mga daan, mga tulay, atbp). Sumasalamin din sila sa mga gawaing nagtitiyak sa luho ng nagharing uri.

Kaya ang pampulitikang kapangyarihan ay kadalasan nakaugnay sa nagtagumpay na grupong militar. Ang pang-ekonomiyang kasaganaan ay mahigpit na nakasandal sa mapandigmang kapasidad ng sentro.

Ang malaking pag-unlad ng sibilisasyong Romano ay tumutugma sa panahon ng kanyang mga tagumpay at pananakop. Naabot ang kanyang tugatog nang nasakop ng Roma ang mundo ng Mediterranean at kinuha ang mga tubo. Ang simula naman ng pagbulusok-pababa ng Roma ay naiguhit sa ikalawang siglo A.D. nang magtapos na ang pagpalawak, at sa ikatlong siglo sa unang pagkatalo ng Imperyo (sa 251 ang emperador na si Decius ay natalo at napatay ng mga Goths; sa 260 ang emperador na si Valerian ay nahuli at pinahiya ng hari ng Persia. Sa panahon ng ikatlong siglo sabay-sabay na nag-alsa ang mga kolonya sa unang pagkakataon).

Ang kahirapang imintina ang napakalaking imperyo sa limitadong teknikal na mga instrumento sa panahong iyon ay isang bahagi ng paliwanag sa paghinto ng paglawak ng Roma. Pero higit sa lahat ay ang pagkakaiba ng pang-ekonomiyang produktibidad sa pagitan ng pang-aaliping Romano at sa kanyang mga kolonya (na kadalasan napaunlad ang superyor na produktibidad sa ilalim ng Asyatikong moda) na siyang tumitak na sa bandang huli ay magtagumpay ang pag-alsa ng mga kolonya.

Ang aliping mga relasyon ng produksyon ay kinatangian ng mababang produktibidad ng paggawa. Sa mga kondisyon ng panahong iyon, ang pag-unlad ng produktibidad ay nangangailangan ng pagpapaunlad ng mga pamamaraan sa pagtrabaho sa lupa - paggamit ng araro, pagpaunlad ng pataba sa lupa at pagbuo ng mahigpit na ugnayan ng manggagawa sa lupa, pagbibigay sa manggagawa ng motibo para gamitin ang mga teknikang ito ng produksyon. Subalit kailangan ng ganung progreso na iwan ang pang-aalipin, kung saan ang manggagawa ay binubuhay ng kanyang panginoon anuman ang kanyang produktibidad, at kung saan ang takot na maparusahan ang pumilit sa alipin na magtrabaho, kaya hindi masinop ang kanyang trabaho.

Bentahe lamang ang pang-aalipin sa pagsasamantala sa nasakop na mga pamayanan. Nang natigil o nanghina na ang pananakop, nang ang pinagmulan ng nakulimbat, tributo at mga alipin ay nasaid na (ang kapalit ay tumaas ang halaga ng mga alipin), natransporma ang pang-aalipin tungo sa disbentaheng sistema, hadlang sa pag-unlad ng produksyon.

Ang pangangailangang tumungo sa bagong produktibong mga relasyon ang nagtulak sa sentro para lumitaw ang pyudal na tipo ng pagsasamantala, kung saan ang malalaking may-ari ay nagpaubaya ng malaking kalupaan para mapalaya ang mga pamilya katumbas ng bahagi ng kanila trabaho. Pero ang pag-igpaw mula sa pang-aalipin ay umaatake din sa mga prebilihiyo ng nagharing uri. Ang ‘tunggalian' sa pagitan ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa ng lipunan, at sa mga relasyon ng produksyon na umiiral, ang nagdala sa Roma sa pagbulusok-pababa.

Ang pag-unlad ng produksyon ay bumagal o huminto: "‘Kinulekta' nila (ang mayamang mga Romano) ang mga produkto ng minahan at sinira ang kalupaan, para mawala ang mga pastuhan at gubat sa semi-tuyo na mga rehiyon. Walang pakundangang pinagsamantalahan ang lakas-paggawa, na nagpasigla sa diskontento at kawalang interes sa pagtrabaho. Pinagbawal mismo nila ang paggamit ng bagong pamamaraan, at tinakwil ang patubig at kanal sa mga rehiyon na mahalaga ito....Digmaan, epidemya at gutom ang nagpaliit sa populasyon ng Imperyo ng isang-katlo. Ang tantos ng namatay ay malamang mas mataas sa Italya mismo sa panahon ng ikatlong siglo" (Shepard B Clough, Grandeur and Decadence of Civilisations, Editions Payot p140)

Pyudalismo

Pagkatapos ng pang-aalipin at Asyatikong moda ng produksyon, ang pyudal na sistema ay nagbigay ng bagong kapasidad sa produktibong mga pwersa ng ilang siglo.

Sa sapat-sa-sarili na mga relasyong pyudal, naabot ng pagtrabaho sa lupa ang walang kapantay na pag-unlad (pagpaunlad sa pagsasaka, paglagay ng sapatos sa pinagtrabahong mga hayop, sa pagkontrol - sa ulo o liig sa halip na sa tiyan - pagpaunlad sa irigasyon at pataba, atbp). Dagdag pa, at higit sa lahat, ang pagperpekto sa gawaing agrikultural ay sinabayan ng malaking pag-unlad sa gawaing artisano. Ang huli ay simpleng pandagdag sa agrikulturang ekonomiya: tigasuplay ng mga instrumento ng paggawa at ilang bagay na pangkonsumo, sa batayan ay para sa nagharing uri (pangunahin ay damit at sandata).

Ang artisano ay nakinabang mula sa paglaki ng mga rekurso para sa maharlikang uri, salamat sa pag-unlad ng produktibidad sa agrikultura. Ang huling salik na ito ay mas lalong nakikita dahil ang uring maharlika ay walang interes sa akumulasyon - na partikular na katangian ng burgesya - kundi ginamit ang lahat ng kanyang tubo para sa personal na pangangailangan.

Pero mula ika-12 siglo pataas, nagsimula ng maabot ng pyudalismo ang limitasyon ng paglawak ng masasakang lupain.

"Marami tayong datos sa kakulangan ng lupa sa katapusan ng ika-13 siglo para sabihing ang paglawak ng masasakang lupain ay kulang na sa pambansang paglaki ng populasyon; at maliban sa ilang mga lugar, posibleng hindi na sapat na mapigilan ang tendensya ng pagbulusok ng produktibidad ng paggawa. Ang presyur sa kakulangan ng lupa matapos ang 1200 sa Holland, Saxony, Rhineland, Bavaria at Tyrol ay isa sa mga salik ng migrasyon patungong silangan, at masabi natin na sa katapusan ng ika-14 siglo ang limitasyon ng makukuhang lupa sa kagubatan ay naabot na sa hilagang-silangan ng Alemanya at Bohemia" (Maurice Dobb, Studies in the Development of Capitalism, p 59).

"Ang mga kapanahon ni St Louis, at sa ilang rehiyon ni Philippe de Bel, ay nakakita sa limitasyon ng kalupaan. Tinangka ang pinaka-walang hiyang pang-aagaw dahil kailangang laging pakainin ang dumaraming mga bunganga at dahil, wala ng ibang alam para maparami ang ani, dapat lalaki ang masasakang lupa. Mistulang naglaho ang permanenteng mga latian at tiwangwang na kalupaan. Lumiit ang kagubatan. Ang mga latian at putikan sa baybayin ng Ingglatera ay natuyo, nalinis, sukdulang pinagsamantalahan ng teknikal na posibleng kapasidad noon..." (J Favrier, De Marco Polo a Christopher Columbus, p 125)

Mula noon makaalpas lamang ang lipunan sa kanyang paghinto sa pamamagitan ng bagong pagpapaunlad ng produktibidad ng paggawa. Ngayon ang huli ay nakaabot na sa kanyang lubusang hangganan sa konteksto ng pampamilyang artisanong produksyon. Sa pamamagitan lamang ng proseso mula sa indibidwal na paggawa tungo sa paggawa ng maraming magkaugnay na mga manggagawa, tungo sa mas komplikadong dibisyon ng paggawa at paggamit ng mas komplikadong mga instrumento ng produksyon, sa ganitong mga kondisyon mangyari ang kinakailangang paglaki ng produktibidad.

Posible ito dahil ang pag-unlad ng artisanong paggawa sa ilalim ng pyudalismo ay nakatulong sa muling pagbangon ng mga lungsod, na siyang kinakailangang batayan para sa kolektibong mga porma ng paggawa.

Pero, sa pundamental, ang pyudal na balangkas ang humadlang sa mga kondisyon para sa tunay na pag-unlad ng ganitong pang-ekonomiyang porma:

  • ang pyudalismo ay nakabatay sa buong buhay na pagkatali ng tao sa kanilang mga instrumento ng produksyon at sa kanilang panginoon, habang ang manupaktura ay nangailangan ng malaking mobilidad ng lakas-paggawa, at kung gayon, sa paghiwalay ng manggagawa mula sa mga instrumento ng produksyon.
  • ang pyudalismo ay sistema ng lokal na kapangyarihan, sa ekonomiyang-sapat-sa-sarili, sa kontroladong kalupaan, na napakaraming babayarang buhis para ang kalakal ay makadaan sa iba't-ibang pyudal na estado. Kabaliktaran sa tagagawa, na kailangan ang mobilidad sa hilaw'ng materyales, sa kalakal sa pangkalahatan, para maka-konsentra siya sa isang lugar para sa produksyon ng mga produktong mula sa iba't-ibang lugar, at matiyak ang pinakamalayang posibleng distribusyon sa kanyang sariling kalakal;
  • panghuli, ang paggawa ng produksyon ay kailangang nakabatay sa akumulasyon at konsentrasyon ng tubo para maabot, mapalitan at pagkatapos ay mapalawak ang makinarya para sa produksyong nakabatay sa dibisyon ng paggawa. Kaya nangangailangan ito ng diwa ng may nalikha sa pagtrabaho at karapatan na makuha ang nakulimbat mula sa huli. Ang pyudal na prebilihiyo, sa kabilang banda, ay nakabatay una, sa kapasidad para sa digmaan, at pagkatapos para lamang sa pagmamana.

Sa antas ng kapasidad sa pagtrabaho, ang panginoon ay kapantay o inperyor sa magsasaka. Kaya namumuhi ang pyudal na lipunan sa trabaho, na tinitingnan na porma ng panghahamak.

Ginawang dangal ng panginoong pyudal ang pagpapakita ng kanyang abilidad na ubusin ang buong kita nito. Pinabayaan at kinundena ng pyudal na ekonomiya ang akumulasyon na naglalayon para mapalaki ang produksyon, katangian na hadlang sa pag-unalad ng manupaktura.

"Makonsidera natin sa simula ng ika-14 siglo ang tanda ng katapusan ng paglawak ng makalumang ekonomiya. Bago noon, patuloy ang progreso sa lahat ng aspeto ... Pero sa unang mga taon ng ika-14 siglo, lahat ng ito ay natapos na. Kahit na walang pag-atras, wala din namang pag-unlad. Ang Uropa ay nakahiga sa kanyang kabantogan: mayroong istabilidad sa larangan ng ekonomiya...ang ebidensya na tumigil ang naunang pang-ekonomiyang pagsulong ay ang katotohanang ang kalakal sa ibayong dagat ay tumigil sa paglawak...Sa Flanders at Bravante, napanatili ng inudustriya ng tela ang kanyang sarili na walang paglago sa kanyang tradisyunal na kasaganaan hanggang sa kalahati ng siglo, pagkatapos ay nagsimula na ito sa mabilis na pagbulusok-pababa. Sa Italya, karamihan sa mga bangkong matagal ng nanguna sa pamilihan-sa-pera ay nahulog sa serye ng umalingawngaw na pagkalugi ... ang pagbagsak ng fairs of Champagne sa unang mga taon ng siglo. Ito rin ang panahon na huminto na sa paglaki ang populasyon, at ito ang bumuo ng napakahalagang palatandaan na ang istabilisasyon ng lipunan ay dumating na sa tugatog ng kanyang ebolusyon." (H. Pirenne, Histoire economique et sociale du Moyen Age, PUF, p 158).

Gaya ng pang-aalipin, ang pagbagsak ng pyudalismo ay nagkahulugan ng gutom, dahil ang paglago ng produktibong mga pwersa ay lubhang inperyor sa paglaki ng populasyon. Ang gutom ay sinundan ng mga epidemya, na mabilis na kumalat dahil sa mahinang nutrisyon ng populasyon. Kaya mula 1315 hanggang 1317 isang nakakilabot na gutom ang lumagim sa buong Uropa, na sinundan matapos ang tatlumpung taon ng Black Death, kung saan sa pagitan ng 1347 at 1350 ay lumipol ng isangkatlo sa populasyon ng Uropa.

"Totoo na ang mga bansa noon na nasa labas ng pangunahing mga erya ng pang-ekonomiyang pag-unlad gaya ng Poland at laluna ang Bohemia, ay sinimulan ang mas lubusan na paglahok. Pero ang kanilang naantalang pagkamulat ay walang anumang mahalagang bunga para sa kanluran sa pangkabuuan. Malinaw na pumasok na ang lipunan sa panahon kung saan mas malaki ang nagagamit kaysa nagagawa, at ang panlipunang diskontento ay patunay kapwa sa kagustuhan at sa kawalan ng kapasidad para paunlarin ang sitwasyon na hindi na matugunan ang mga pangangailangan ng tao." (Pirenne, op cit, p 158)

Nagsimula ang dekadenteng pyudalismo sa ika-14 siglo, nagpatuloy hanggang maibagsak ang kanyang huling huridikal na mga labi sa burges na mga rebolusyon sa ika-17 at ika-18 na mga siglo sa Ingglatera at Pransya. Subalit sa ika-14 na siglo ang bagong mga relasyon ng produksyon ay nagsimulang mangingibabaw sa lipunan: kapitalismo. Umuunlad mula sa pakikibaka laban sa lumang pyudal na mga harang, ito ang pangunahing nakinabang mula sa magulong ika-14 siglo, at nagbigay daan sa malakihang pagbangon ng buhay ekonomiya.


[1] Ang pag-unlad ng mga digmaan ay aktibong salik na iwan ang pantany-pantay na panlipunang mga relasyon: ang mga kondisyon ng semi-permanenteng digmaan ay nangailangan ng paglitaw ng suson ng ispesyalisadong mga mandirigma na naging tiga-suplay ng yaman sa kolektibidad at siyang nagsimulang magbuo ng hirarkiyal na mga relasyon sa loob ng komunidad, habang ang buong komunidad ay tumitiyak na mapangalagaan sila. Pero sa kanyang sarili, naging mahalaga lang ang salik na ito nang ang pag-unlad ng produktibidad ay nagbigay-daan para sa pang-aalipin.

Ang pangkalahatang pananaw sa pagbulusok-pababa

May dalawang aspeto ang pag-unlad ng produktibong mga pwersa:

  1. Ang paglaki ng bilang ng mga manggagawa na nakapasok sa produksyon sa takdang antas ng produktibidad;
  2. Ang paglaki ng produktibidad ng paggawa sa hanay mismo ng maraming mga manggagawa.

Sa sistemang puno ng ekspansyon, makikita ang kombinasyon ng dalawa. Ang sistemang nasa krisis ay sistemang naabot na ang kanyang hangganan sa dalawang aspeto.

Masabi nating ‘eksternal na hangganan' sa ekspansyon ng sistema (ang kanyang kawalan ng kapasidad na palawakin ang kanyang erya ng operasyon) at ang ‘internal na hangganan' (ang kawalan ng kapasidad na lagpasan ang takdang antas ng produktibidad). Tingnan ang kaso ng katapusan ng pang-aalipin ng imperyong Romano. Ang eksternal na hangganan ay binuo ng materyal na kawalan ng kapasidad na palawakin pa ang sakop ng Imperyo. Ang internal na hangganan ay ang kawalan ng kapasidad na pataasin ang produktibidad ng mga alipin na hindi ibagsak ang panlipunang sistema mismo, na hindi pawiin ang kanilang istatus bilang mga alipin. Para sa pyudalismo, ito ay kawalan ng maagaw na mga lupain, ang kawalan ng kapasidad na makahanap ng bagong masasakang kalupaan, na siyang naging eksternal na hangganan, habang ang internal na hangganan ay kawalan ng kapasidad na pataasin ang produktibidad ng mga magsasaka, o ng indibidwal na artisano, na hindi sila natransporma sa pagiging proletaryado, na hindi ipakilala ang paggawa sa pamamagitan ng kapital: ibig sabihin, na hindi ibagsak ang pyudal na pang-ekonomiyang kaayusan.

Ang pamamaraan ng dalawang tipong ito ng hangganan ay dyalektikal na magkaugnay: hindi makapagpalawak ang Roma sa kanyang imperyo dahil sa limitasyon ng produksyon; sa kabilang banda, mas mahirap ang pagpalawak, mas maobliga itong paunlarin ang kanyang produktibidad, kaya mabilis na natutulak ito sa sukdulan ng kanyang limitasyon. Gaun din, ang pyudal na pang-aagaw ay limitado sa antas ng pyudal na mga teknika, habang ang kasalatan ng lupa ang nag-engganyo sa mas mapanlikhang prduktibong mga aktibidad na pinatupad sa mga lungsod at nayon. Ito ang nagtulak sa pyudal na produktibidad sa hangganan ng kapitalismo.

Sa huling pagsusuri ang kanyang limitasyon sa antas ng produktibidad sa loob ng lumang lipunan ang nagdala sa kanya sa kaguluhan. Nasa produktibidad ang tunay na sukatan ng antas ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa; ito ang kantitatibong ekspresyon sa takdang kombinasyon ng paggawa ng tao at mga instrumento ng produksyon, sa buhay at patay na paggawa.

Sa bawat yugto ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa, ibig sabihin, sa bawat pangkalahatang antas ng produktibidad, may angkop na takdang mga relasyon ng produksyon. Nang ang produktibidad na ito ay umabot na sa huling posibleng limitasyon sa loob ng sistema na umaayon nito, at kung hindi maibagsak ang sistema, ang lipunan ay papasok sa yugto ng pang-ekonomiyang pagbulusok-pababa. Pagkatapos ay mangyari ang papalaking epekto: unang mga bunga ng krisis ay natransporma mismo sa pagiging mga salik na magpapabilis ng krisis. Halimbawa, sa katapusan ng Roma maging sa pagbulusok-pababa ng pyudalismo, lumiit ang kita ng nagharing uri na nagtulak sa huli na patindihin pa ang pagsasamantala sa mga nagtrabaho hanggang masaid. Ang resulta sa parehong mga kaso ay papalaking kawalan ng interes at diskontento ng mga nagtrabaho, na nagpapabilis sa lalong pagliit ng kita.

Dahil din sa kawalan ng kapasidad na ipasok ang bagong mga manggagawa sa produksyon napwersa ang lipunan na suportahan ang di-aktibong istrata na dagdag na umubos sa kita.

Kahalintulad na penomenon ay ang mabilis na debalwasyon ng pera sa katapusan ng Imperyo maging sa katapusan ng Lumang Kapanahonan: "Umaasa ang Roma na mabayaran ang mga gastusin ng gobyerno sa pamamagitan ng pagtaas ng buhis, pero ng mapatunayang hindi sapat ang mga nakolekta kailangang ipatupad ang inplasyon (sa katapusan ng Ikalawang Imperyo). Ang unang patakarang ito ay paulit-ulit na pinatupad sa panahon ng ika-3 siglo, ang pera ay binaba ang halaga ng 2 porsyento sa kanilang pinahayag na halaga. Ang unipikadong pera ng Imperyo ay winasak; bawat lungsod at probinsya ay nagpalabas ng sariling pera"( Shepard B Clough, op cit, p 141).

Sa katapusan ng Lumang Kapanahonan: "Sa mundo kung saan hindi sapat ang pera, ang sahod-na-papel (na ginagamit ng mga sundalo para proteksyon laban sa pagnanakaw o sa digmaan - note ng IKT) ay nagpalaki sa pangangailangan ng mahalagang mga metal; kung gayon ang tentasyon na palakihin ang halaga ng pera sa sirkulasyon. Ang mga naghari ay ginamit ang kanilang awtoridad na bawasan ang bigat ng mga sinsilyo, kaya ang sinsilyo na nagkahalaga ng 2 sous ay naglaman ng konting purong pilak at maraming tingga, pero ngayon ay nagkahalaga na ng 3 sous. Ito ay inplasyon!"( J Favier, op cit, p 127).

Kaalinsabay ng ganitong pang-ekonomiyang mga resulta ang krisis ay nagdulot ng serye ng panlipunang mga kombulsyon na nagpahina sa dating mahina na buhay ekonomiya. Ang pag-unlad ng produktibidad ay sistematikong bumangga sa umiiral na panlipunang istruktura, nagdulot ng kawalan ng posibilidad ng anumang pag-unlad ng produktibong mga pwersa; ang pangangailangang lagpasan ang lumang lipunan ay nasa agenda na.

"Walang panlipunang kaayusan na naglalaho kung hindi pa lubusang umunlad ang lahat ng produktibong mga pwersa sa loob nito" (Marx, op cit).

Katunayan dapat tandaan na walang sistema na napaunlad ang LAHAT ng produktibong mga pwersa - sa pormal na kahulugan ng termino - na posibleng nakalagay sa teorya.

Sa kabilang banda, ang pang-ekonomiyang epekto na nakita natin at ang serye ng panlipunang kapinsalaang dulot ng unang malaking pang-ekonomiyang kahirapan ay mga maraming harang na pumigil sa sistema para maabot talaga nito ang absolutong limitasyon. Kailangan nating tandaan na ang pang-ekonomiyang sistema ay grupo ng mga relasyon ng produksyon na binuo ng tao, na independyente sa kanilang kagustuhan at ayon sa antas ng produktibong mga pwersa, para SUSTENTUHAN ANG KANILANG PANG-EKONOMIYANG PANGANGAILANGAN. Bago lilitaw ang huling instrumneto ng produksyon, kung ang produksyon ay nagsimula na ang mabagal na pag-unlad kaysa pangangailangan ng populasyon, ang sistema ay mawalan na ng istorikong batayan sa pag-iral, at ang lahat sa lipunan ay mag-umpisang labanan ang kanyang mga restriksyon.

Sa kabilang banda, sa ilalim ng presyur ng produktibong mga pwersa, ang pang-ekonomiyang pundasyon ng bagong lipunan ay magsimulang uunlad sa loob ng luma. Aplikable lamang ito sa nakaraang mga lipunan kung saan ang uri na nagpabagsak sa kanila ay hindi pinagsamantalahang uri. Umunlad ang pyudalismo sa loob ng imperyong Romano. Ang unang pyudal na mga plantasyon sa Roma ay kadalasan pinamunuan ng dating mga myembro ng munisipal na senado na itinayo ng estado para mangulekta ng buhis.

Ganun din, sa katapusan ng pyudalismo, ang mga myembro ng maharlika ay naging negosyante, at sa mga lungsod  - kadalasan sa pakikibaka laban sa lokal na mga panginoon - ay nagtayo ng unang mga manupaktora, ang tiga-dala ng kapitalismo.

Itong unang ‘mga sentro ng darating na sistema' (malakihang plantasyong Romano, burges na mga lungsod) ay karamihan lumitaw bilang resulta ng pagkaagnas ng lumang sistema. Nabighani nila ang lahat ng klaseng mga elementong nagtangkang umalis sa sistema. Subalit mula sa pagiging epekto ng pagbulusok-pababa, madaling natransporma ng mga sentro ang kanilang sarili sa pagiging salik para lalupa itong mapabilis. Nagbigay daan ang materyal na mga kondisyon tungo sa bagong tipo ng lipunan, kung saan ang kanyang batayan ay umiiral na sa lumang lipunan, at ang kanilang presyur ay sapat para simulan ang pundasyon ng bagong sistema.

"Walang panlipunang kaayusan na naglalaho kung hindi pa lubusang umunlad ang lahat ng produktibong mga pwersa sa loob nito" (Marx, op cit).

Hindi sapat na marating ng produksyon ang kanyang ultimong hangganan sa loob ng lumang lipunan. Kailangan din na ang mga instrumento para malagpasan ang huli ay umiiral na o nasa proseso na ang pormasyon. Kung ang dalawang kondisyong ito ay istorikal na umiiral na, nasa agneda na ng lipunan ang pagtangan ng bagong mga relasyon ng produksyon. Pero ang paglaban ng lumang lipunan (sa lumang prebilihiyadong uri, ang impluwensya ng mga tradisyon at kaugalian, ideolohiya, relihiyon at iba pa), at ang siwang na posibleng iiral sa pagitan ng realisasyon ng dalawang kondisyong ito, ay nagkahulugan na ang naturang transpormasyon ay hindi mangyayari sa progresibo, tuwid na paraan, kundi sa isang serye ng mga pagkatalo, kaguluhan, at kalitatibong pag-igpaw.

Ang yugto ng paglusok-pababa ng isang sistema ay ang yugto na hindi naganap ang istrotikong pag-igpaw; ito ay ekspresyon ng lumalaking kontradiksyon sa pagitan ng produktibong mga pwersa at mga relasyon ng produksyon; ito ay katawan kung saan ang kanyang mga damit ay napakasikip.

Ang pagbagsak ng mga super-istruktura

Kung nayayanig ang ekonomiya, ang buong super-istruktura na nakasandal dito ay magka-krisis at maaagnas. Ang mga manipestasyon ng pagkaagnas nito ay mga elemento ng pagbulusok-pababa ng sistema.

Nagsimula bilang bunga ng sistema, kadalasan ay naging mga salik na sila para mapabilis ang proseso ng pagbulusok-pababa. Maraming burges na istoryan ang nakakita ng huling penomenon, naghinuha mula dito na ang super-istrukturang mga elemento ang talagang pangunahing dahilan ng katapusan ng sibilisasyon.

Sa pagsusuri ng super-istruktural na mga elemento, tingnan natin ang apat na penomena na parehong makikita sa pagbulusok-pababa ng pang-aalipin at sa pagbulusok-pababa ng pyudalismo. Makikita natin na hindi istorikal na pagkakataon, kundi depinidong mga sintomas ng pagbulusok-pababa ng isang sistema.

Ang mga penomena ay:

  1. ang pagkaagnas ng ideolohikal na mga porma na nagingibabaw sa lumang lipunan;
  2. ang paglaki ng mga digmaan sa pagitan ng mga paksyon ng nagharing uri;
  3. ang intensipikasyon at paglaki ng mga pakikibaka ng uri;
  4. ang pagpapalakas ng makinarya ng estado.

1) Ang pagkaagnas ng ideolohikal na mga porma

Sa isang lipunang nahahati sa mga uri, ang dominanteng ideolohiya ay ang ideolohiya ng dominanteng uri. Ang lawak para sa pagpapayaman at pagpapaunlad ng kanyang ideolohikal na mga porma ay nakasandal sa tunay na kapasidad ng nagharing uri na makumbinsi ang buong lipunan na tanggapin ang kanyang paghari. Ang lipunan ay handa lamang tanggapin ang isang ideolohiya hanggat ang pinagbatayan nitong pang-ekonomiyang sistema ay umaayon sa mga pangangailangan ng lipunan. Mas natitiyak ng pang-ekonomiyang sistema ang kasaganaan at seguridad, mas yayakapin ng mga tao na nabubuhay dito ang mga ideya na nagbibigay katwiran nito. Sa kalagayan ng ekspansyon, ang mga inhustisyang nasa pang-ekonomiyang mga relasyon ay titingnan na isang ‘kinakailangang kasamaan'; ang paniniwalang ang lahat ay makinabang mula sa sistema ay nagbigay daan sa demokratikong mga ideolohiya, higit sa lahat sa loob mismo ng isang bahagi ng lipunan na siyang lubhang nakinabang - ang nagharing uri (ang rehimen ng Republika ay umaayon sa pinakamasaganang yugto ng ekonomiyang Romano; sa lumalawak na pyudalismo, ang hari ay isa lamang suzerain, pinili bilang una sa hanay ng mga magkakapantay).

Ang batas mismo ay hindi masyadong napaunlad dahil ang sistema ay sapat na umayon sa obhetibong pangangailangan ng lipunan dahil karamihan sa mga problema ay hinahayaang maresolba sa sarili nilang paraan.

Umuunlad ang syensya, ang pilosopiya ay nakasandal sa rasyunalismo, tungo sa optimismo at pagtitiwala sa sangkatauhan. Dahil ang pangit na bahagi ng isang mapagsamantalang lipunan ay relatibong natabunan ng saganang kalagayan, ang mga ideolohiya ay hindi masyado natali sa pagtatago ng realidad at bigyang katwiran ang walang katwiran. Ang arte mismo ay sumasalamin ng optimismong ito at kadalasan ay nasa kanyang pinakamahusay sa mga panahon ng pang-ekonomiyang pag-unlad (ang tinaguriang ‘ginintuang panahon' sa arteng Romano ay bumagay sa panahon ng pag-unlad ng Imperyo, halimbawa; katulad ng masaganang mga araw sa ika-11 at ika-12 na mga siglo, dumaan ang pyudalismo sa napakalaking artistiko at intelektwal na pagbabago.

Pero ng ang mga relasyon sa produksyon ay naging restriksyon na sa buhay ng lipunan, lahat ng ideolohikal na mga porma na umaayon sa umiiral na kaayusan ay nawalan na ng pundasyon, nawalan ng laman, at hayagan ng sumalungat sa realidad. Sa pagbulusok-pababa ng imperyong Romano, ang ideolohiya ng kapangyarihang pampulitika ay nagkahugis sa pormang himala at diktadura. Ganun din sa pyudal na pagbulusok-pababa na sinabayan ng pagpalakas sa ideya na mula sa diyos ang pinagmulan ng monarkiya at ang mga prebilihiyo ng maharlika, na matinding kinundena ng mga relasyong merkantilista na inumpisahan ng burgesya.

Ang mga pilosopiya at relihiyon ay nagpakita ng lumalaking pesimismo; ang tiwala sa sangkatauhan ay nagbigay daan sa paniniwala sa kapalaran at hindi paniniwala sa bagong mga ideya (eg ang pag-unlad ng Stoisismo, sunod ang Neoplatonismo sa Mababang Imperyong Romano: ang una ay nagsasabi ng elebasyon ng tao sa pamamagitan ng pasakit, ang ikalawa ay tumanggi sa kapasidad ng tao na maintindihan ang mga problema ng mundo sa pamamagitan ng katwiran).

Ang katapusan ng Lumang Panahon ay nakitaan ng magkatulad na penomenon:

"Makita sa panahon ng istagnasyon ang paglakas ng mistisismo sa lahat ng kanyang mga porma. Ang intelektwal na porma ng Treatise on the Art of Dying', at higit sa lahat, ‘Ang Pagsunod kay Kristo Hesus'. Ang emosyonal na pormang nagpahayag ng popular na kabanalang pinalala ng impluwensya ng hindi makontrol na mga elemento ng  nagpapalimos na mga pari: ang ‘mga plahelante' na gumagala sa kanayunan, sinusugatan ang kanilang mga katawan sa pamamagitan ng paglatigo doon sa sentro ng lungsod para masapol ang pagkamakatwiran ng tao at nanawagan sa lahat ng Kristyano na magsisi. Ang mga manipestasyong ito ang nagpalitaw sa kadalasan kaduda-dudang matalinghagang pagsalarawan, tulad ng pagdanak ng dugo na simbolo ng tagapagligtas. Napakabilis na tumagilid ang kilusan tungo sa isterya at nakialam na ang herarkiyang eklestikal laban sa mga manggugulo, para mapigilan ang kanilang pangangaral sa pagdami ng mga palaboy...Umunlad ang nakapangilabot na arte... ang pinaka-paboritong banal na teksto ng mga nag-iisip ay ang Apokalipso." (Favier, op cit, p 152f).

Lahat ng ito ay sumalamin sa lumalaking siwang sa pagitan ng mga relasyong nangibabaw sa lipunan at sa mga ideya hinggil dito na hinawakan ng tao hanggang ngayon.

Ang tanging mga ideolohiya na talagang uunlad sa mga panahong ito ay batas, sa isang banda, at, sa kabilang banda, ang mga ideolohiyang nagpahayag ng bagong lipunan.

Sa isang lipunang nahati sa mga uri ang batas ay isa lamang ekspresyon ng mga interes at kagustuhan ng nagharing uri. Ang totalidad ng mga patakaran ang nagbigay daan para sa tamang pag-andar ng sistema ng pagsasamantala. Ang batas ay dumaan sa yugto ng pag-unlad sa simula ng buhay ng panlipunang sistema, kung saan ang bagong ‘mga patakaran ng laro' ay binubuo; kundi maging sa katapusan ng sistema, kung saan pinunit ng realidad ang sistema na lalupang hindi na naging popular at hindi karapat-dapat, at ang ‘kagustuhan' ng nagharing uri ang naging pinakamahalagang bagay para manatiling umaandar ang sistema. Kaya ang batas ang kumakatawan sa pangangailangang palakasin ang mapanupil na balangkas  na kailangan para mabuhay ang sistemang nagiging lipas na ngayon. Ito ang dahilan bakit umunlad ang batas pareho sa pagbulusok-pababa ng Roma at sa panahon ng pagbulusok-pababa ng pyudalismo (si Diocletian, ang pinakabantog na Emperador ng Mababang Imperyo, ay siyang nagpalabas ng napakaraming bilang ng mga kautusan at dekrito. Ganun din mula sa ika-13 siglo pataas, ang unang mga koleksyon ng kinaugaliang mga batas ay nagsimulang lumitaw).

Paralel sa ganitong penomenon ay lumitaw ang mga ideyang nagtataguyod ng bagong tipo na mga relasyon ng lipunan; naging kritikal sila, nagrerebelde at sa huli naging rebolusyonaryo. Sila ang nagbigay katwiran para sa bagong lipunan. Partikular na makita ang penomenon na ito sa ika-15 siglo sa kanlurang Uropa. Ang protestantismo, partikular ang pormang pinangaral ni Calvin, ay relihiyon na sumalungat sa Katolisismo, nagpahintulot sa pagpautang ng pera na may interes (mahalaga para sa pag-unlad ng kapital); na nagturo ng ispiritwal na elebasyon sa pamamagitan ng pagtrabaho at niluwalhati ang nagtagumpay na tao (kung gayon salungat sa ‘banal' na pinagmulan ng mga prebilihiyo ng mga nobilidad at nagbigay katwiran sa bagong sitwasyon ng  ‘mayaman' na burges na negosyante); na inilagay sa pagdududa ang supernatural na katangian ng simbahang Katoliko (ang pangunahing panginoong maylupa) at nagtataguyod ng interpretasyon ng Bibliya ng tao na walang tagapamagitan. Ang bagong relihiyong ito ay ideolohikal na elemento na nagpahayag at nagpabilis sa paglitaw ng kapitalismo.

Ganun din, ang pag-unlad ng burges na rasyunalismo, na ang ultimong ekspresyon ay ang mga pilosopo at ekonomista sa ika-17 at ika-18 na mga siglo, nagpahayag ng rebolusyonaryong elemento sa tunggalian na pinasok ng lipunan.

Ang pagkaagnas ng lumang nagharing ideolohiya, ang pag-unlad ng ideolohiya ng bagong lipunan, hindi paniniwala sa bagong ideya laban sa rasyunalismo, pesimismo laban sa optimismo, mapanupil na batas laban sa konstruktibong batas, dito, tulad ng sinabi ni Marx, makita natin "ang huridikal, pulitikal, relihiyoso, artistiko, pilosopiko, sa madaling sabi, ang ideolohikal na mga porma kung saan ang tao ay naging mulat sa kontradiksyong ito at nakibaka laban dito".

2) Ang paglaki ng mga digmaan sa pagitan ng mga paksyon ng nagharing uri

Ang kasaganaan ng isang sistema ng pagsasamantala ay nagbigay daan sa relatibong pagkakasundo sa pagitan ng mga nagsasamantala, at kaya mayroong ‘demokratikong' mga relasyon sa pagitan nila. Nang ang sistema ay hindi na maaring mabuhay, nang lumiit na ang tubo, ang pagkakasundo ay nagbigay daan sa mga digmaan sa pagitan ng mga ganid sa tubo. Kaya, paralel sa panunulisan na katangian ng katapusan ng Imperyong Romano at sa Lumang Panahon, pumutok ang mga digmaan sa pagitan ng mga paksyon ng nagharing uri.

Sa Roma mula sa ikalawang siglo pataas may serye ng mga digmaan ng mga knights, burukrata at pangulo ng hukbo at mga senador at maharlika:

"Sa pagitan ng mga taon ng 235 at 285, sa 26 Emperador na nagpalitan sa isa't-isa sa trono, dalawa lamang ang namatay sa natural na pagkamatay, at sa isang panahon mayroong 30 umaangkin sa trono" (SB Clough, op cit, p 142).

Sa katapusan ng Lumang Panahon ang mga digmaan sa pagitan ng mga maharlika ay umabot sa lawak na napilitan ang mga hari sa kanluran na ipagbawal ang mga ito, at si Louis IX ay umabot sa punto na pinagbawal ang pagdala ng armas. Ang Isandaang Taong Digmaan ay isang penomenon ng ganitong tipo.

Nang hindi na maiwasan ng nagharing uri ang mga kontradiksyon ng kanyang sistema at nakitang hindi na mapigilan ang pagliit ng tubo, ang pinaka-kagyat na solusyon ay mag-aagawan ang bawat paksyon sa yaman ng kanyang karibal; o agawin ang mga kondisyon ng produksyon kung saan magagawa ang yamang ito (halimbawa, ang mga kalupaan sa panahon ng pyudalismo).

3) Ang intensipikasyon ng mga pakikibaka ng uri

Sa pagbulusok-pababa ng sistema mayroong tatlong penomena  na naging dahilan na ang intensipikasyon ng makauring pakikibaka ang pangunahing katangian ng mga panahong ito ng pagbagsak:

  • ang paglaki ng kahirapan: napakita natin na sa katapusan ng pang-aalipin at pyudalismo regular na naiguhit ang gutom, epidemya at paglawak ng kahirapan. Nakita natin ang mga epekto nito sa loob ng prebilihiyadong mga uri, pero malinaw na ang inaaping mga uri ang matinding nagdurusa sa mga pahirap na ito; ito ang nagtulak sa kanila sa mga riot at pag-alsa;
  • ang pagpalakas ng pagsasamantala: napakita din natin paanong ang sistemang nasa pagbulusok-pababa, lalong bumabagal ang paglaki ng produksyon sa teknikal na paraan, bilang resulta lalupang pinalaki ng nagharing uri ang pagsasamantala sa paggawa. Ang huli ay ginamit hanggang masaid. Tumindi ang pagparusa sa mga nabigong hindi makapagbigay ng sapat na trabaho...
    Dagdag sa kahirapan at pagdurusa na tiniis na nila, ang huling salik na ito ay nagpatingkad lamang sa tendensya tungo sa paglawak ng labanan sa pagitan ng pinagsamantalahan at nagsamantala. Ang reaksyon ng uring anakpawis ay marahas, at sa huli ay lalong nakasira sa layunin na pataasin ang produktibidad, na kapwa sa katapusan ng Imperyong Romano at sa huling bahagi ng Lumang Panahon, mayroong tendensya na palitan ang pagparusa sa patakaran na may layuning bigyan ng ‘gantimpala' ang mga manggagawa sa kanilang trabaho (ang emansipasyon ng mga alipin at magsasaka)[1]
  • ang pakikibaka ng uri na nagdala ng binhi sa loob nito ng bagong lipunan: paralel sa mga pag-alsa ng pinagsamantalahan, mayroong paglaki sa pakikibaka ng bagong uri (ang malaking ‘pyudal' na panginoong maylupa sa katapusan ng Imperyong Romano, ng burgesya sa katapusan ng pyudalismo), na nagsimulang magtayo ng mga base para sa kanilang sariling sistema, na nagpahina sa mga base ng lumang sistema. Ang mga uring ito ay naglunsad ng permanenteng pakikibaka laban sa lumang prebilihiyadong uri.

Sa takbo ng pakikibakang ito, ang mga pag-alsa ng uring anakpawis ang palaging nagbigay ng pwersa na wala sa bagong mga uri sa kanilang pagtatangka na palitan ang lumang mga istruktura, na ngayon ay ganap ng naging reaksyonaryo (sa proletaryong rebolusyon lamang na ang uring nagdadala sa loob nito ng binhi ng bagong lipunan ay mismong ang pinagsamantalahang uri).

Lahat ng mga elementong ito ay nagpaliwanag sa katotohanan na ang pagbulusok-pababa ng sistema ay hindi mapigilan na tutungo sa mapagpasyang paglakas ng makauring pakikibaka. Kaya, sa Mababang Imperyong Romano:

"sa sitwasyon bunga ng kakulangan ng produksyon, ay lalong tumaas ang buhis, debalwasyon ng pera at lumalaking pagsasarili ng malalaking panginoong maylupa na may malaking epekto na lalong napabilis ang disorganisasyong pulitikal at sosyal at sa paglaho ng mga prinsipyong nag-regularisa sa mga relasyon ng tao...bangkarotang mga panginoong maylupa, nalugi na mga negosyante, manggagawa sa mga lungsod, colons, alipin, mga mang-riot at mga naglayas mula sa hukbo na napilitang magnakaw sa Gaul, Sicily, Italya, Hilagang Aprika at Asia Minor. Sa 235 isang serye ng panunulisan ang sumakop sa buong hilagang Italya. Sa 238 nangibabaw ang digmaang sibil sa Hilagang Aprika. Sa 268 ang mga colon sa Gaul ay umatake sa maraming mga lungsod, at sa 269 isang pag-alsa ng mga alipin ang pumutok sa Sicily" (Clough, op cit, p 142).

"Ang lawak ng panlipunang mga kilusan na umekto sa kanlurang Latino sa ika-5 siglo ay kahanga-hanga. Niyanig nila ang lahat ng mga rehiyon at laluna sa Brittany, kanlurang Gaul, ang hilaga ng Espanya at Aprika..." (Lucien Musset, Les Invasions, p 226).

Ganun din sa katapusan ng Lumang Panahon:

"Mula sa katapusan ng ika-13 siglo niyanig ng riot ng mga manggagawa ang mga lungsod Flemish. Sa panahon ng Isandaang Taong Digmaan at pagkahati-hati ng Italya, ang paglaki ng kahirapan sa syudad ang nagpalitaw ng mga hukbo ng mga pulubi na nagpalaboy sa kanayunan. Ito ang kadalasang nangyari sa iba't-ibang mga bansa, mga taong walang lupa na naging mga taong walang trabaho: ang mga ‘Jacques' sa mga kapatagan ng Pransya, sa Tuchain ng Languedoc, sa Lollards ng English midlands, sa mga Mallotins ng Paris, sa Coquillards ng Bourgogne. Ang mapangahas na mga tribunes ang nagsamantala sa kanilang diskontento at pinagsilbi ang mga pag-alsang ito sa pampulitikang mga ambisyon ng isang panlipunang grupo o indibidwal. Si Etienne Marcel ay nais ipailalim ang Dauphin sa isang paksyon ng burgesya...Pinagsamantalahan ni Van Atevelde ang kahirapan ng mga manggagawang Flemish, ang Cola di Rienzo, isang ‘tribune ng mamamayan' ganun din ang ginawa sa mababang kaayusan na sinira ng pang-aabuso ng Romanong aristokrasya. Sa Florence, ang pag-alsa ng Ciompi, isang pag-alsa sa kagutuman, sa huli ay nagsilbi sa mga interes ng mga Medicis...Kaya, ang istagnasyong ito, bunga ng dibisyon, gera at panlipunang kaguluhan ay napunta sa mga pagnanakaw, riot at masaker..." (Favier, op cit p 137. See also Pirenne, op cit, p160f).

Ang mga rebolusyon ni Cromwell sa 1649 sa Ingglatera at sa rebolusyong Pranses sa 1789 ay maningning na kulminasyon ng mga pakikibakang tinulak ng pagbulusok-pababa ng lipunang pyudal at nagsilang sa kapitalismo.

Ang kasaysayan ng pang-ekonomiyang mga sistema ay kasaysayan lamang ng mga taong namuhay sa loob nila. Ang pag-unlad, preserbasyon at pagpalit ng isang takdang lipunan ay gawa ng mga grupo ng taong tinulak na kumilos ayon sa kanilang pang-ekonomiyang posisyon sa loob ng sistema. Ang kapasidad ng sistema na panatilihin ang sarili ay higit sa lahat relatibo sa lakas ng uri na makakuha ng pinakamalaking tubo mula dito; ang lakas ng bagong lipunan ay parehong may kaugnayan sa lakas ng uring pinaka-interesado nito.

Kaya, nasa pagkilos ng panlipunang mga uri na makita natin ang kongkretisasyon sa obhetibong mga pwersa na nagtulak sa lipunan sa kontradiksyon. Sa isang takdang panahon, ang makauring tunggalian ay walang iba kundi tunggalian sa pagitan ng realidad ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa at sa umiiral na mga relasyon ng produksyon.

4) Ang paglakas ng estado

Kung ang batas ay kumakatawan sa mga interes at kagustuhan ng nagharing uri, ang estado ay armadong pwersang may tungkuling tiyakin na nasusunod ang batas. Ito ang tagapanagot ng kaayusang kinailangan para pagsamantalahan ng isang uri ang isa pa. Mapalakas lang ang estado kung naharap sa kaguluhang pang-ekonomiya at panlipunan na katangian ng dekadenteng yugto ang isang sistema. "Ang pag-unlad ng isang tungkulin ay tutungo sa pag-unlad ng organo".

 - Laban sa panlipunang kaguluhan: lumitaw bilang armadong pwersa ng nagharing uri, ang estado ay nagsisilbi sa isang uri. Subalit, sa pagiging ‘tagapaglingkod' makita natin ang pinakamalinaw na kristalisasyon sa lahat ng mga interes ng nagharing uri: ang tungkulin niya ay panatilihin ang pangkalahatang kaayusan. Sa puntong ito may mas malawak na pananaw ito sa buhay ng sistema - at sa kanyang mga pangangailangan - kaysa mga indibidwal na bumuo sa prebilihiyadong uri. Nahiwalay sa lipunan sa pangkalahatan dahil ito ay organo ng pang-aapi na nagsilbi sa minorya, kaiba din ito sa minorya dahil sa kanyang katangian bilang unipikadong organo na salungat sa pagka-iba-iba ng mga paksyon o indibidwal na mga interes ng mga mapagsamantala. Dagdag pa, ang mga prebilihiyo ng burukrasya ng estado ay mahigpit na nakaugnay sa tamang pagkilos ng sistema sa kabuuan. Kaya ang estado ay hindi lang tanging pwersang may sapat na pandaigdigang pananaw sa ekonomya, siya lang din ang may kagyat at mahalagang interes para sa mahusay na pagkilos nito.

Kaya sa mga panahon ng pagbulusok-pababa ang estado ay pinalakas hindi lang dahil harapin nito ang lumalaking bilang ng mga pag-alsa ng inaaping uri, kundi siya lang din ang tanging pwersa na magtiyak ng pagkakaisa ng nagharing uri sa panahong itulak ito tungo sa pagkawatak-watak o wasakin nito ang sarili mismo.

Ang paglaki ng kapangyarihan ng Emperador ng Roma, higit sa lahat mula sa ikalawang siglo pataas, at sa pyudal na monarkiya, ay may tunay na katwiran sa kani-kanilang pakikibaka laban sa mga pag-alsa ng inaaping uri at sa kanilang pagtatangkang ipagtanggol ang nagharing kaayusan sa pamamagitan ng restriksyon sa tunggalian sa pagitan ng mga paksyon ng nagharing uri. Ang Emperador na si Septimus Severus (193-211) ay kinumpiska ang "mga pag-aari ng mga senador at mga negosyante sa syudad para makuha ang kinakailangang pondo para mabayaran ang mga sundalong tumiyak sa kanyang kaligtasan at kapangyarihan" (Clough); lumaki ang monarkiyang Capetian sa kapinsalaan ng malalaking pyudal na panginoon.

Sa maraming kaso, ang mga digmaan ay isang makapangyarihang salik sa pagpalakas ng makinarya. Ang awtoridad ng estado lamang ang muling makaorganisa sa mga pwersang hinihingi ng digmaan; ang estado ay laging lumalabas na mas malakas mula sa naturang pagsubok. Ang salik na ito ay gumagampan ng napakahalagang papel sa pagpapalakas ng pyudal na monarkiya, partikular sa Pransya.

 - Laban sa pang-ekonomiyang kaguluhan: Mapapansin na mayroong malakas na paglaki ng pakikialam ng estado kapwa sa pagbulusok-pababa ng imperyong Romano at sa panahon ng naglalahong pyudalismo:

"Kung produksyon ang pag-uusapan, nag-iisip siya (ang Emperador na si Dioticien, 284-305) na mapasigla ito sa pamamagitan ng isang direktang ekonomiya'; pinangasiwaan niya ang aktibidad ng colleges', kinontrol ang pagsasamantala ng malalaking mga estado at kinontrol ang mga presyo. Sa huli, nirebisa ang buhis at ang produksyon ng pera ay kinontrol para ma-istabilisa ang pera" (Clough, p 143).

Hinggil sa kahariang pyudal, pinalakas nito ang sarili sa pamamagitan ng pagbuo ng makapangyarihang interbensyunistang administrasyon. Lumaki ang burukrasya kung saan ang pyudal na mga korte ay hindi na palipat-lipat at nakahimpil na sa isang syudad: Paris, Westminster, Pamplona, Moscow. Ginamit ng hari ang kanyang sariling mga opisyales (baillifs at seneschals sa Pransya) na lalong lumaki ang pang-ekonomiyang mga tungkulin sa buong kaharian.

Nang ang pang-ekonomiyang mga relasyon sa lipunan ay naging kalamidad na sa mga umaasa dito, ang armadong pwersa lamang ang makaayos sa kanila. Bilang armadong pwersa at ultimong kristalisasyon ng mga batas ng sistema, hinawakan na ng estado ang ekonomiya.

Lahat ng bagay sa dekadenteng lipunan tinutulak ang penomenong ito pasulong: ang parasitikong halaga na kinuha mula sa pangangailangang imintina ang ekonomiya na lipas na ay humantong sa napakalaking pagtaas sa pasaning pinansyal. Ang estado lamang ang makahuthot ng ganung pondo mula sa populasyong nagugutom na at malapit ng mag-alsa. Parehong nakita ng mga emperador na Romano at haring pyudal na ang tungkuling ito ang isa sa pangunahing batayan para palakasin ang kanilang kapangyarihan. Ang ekonomiya ay hindi na tugma sa pangangailangang pinataw ng panlipunang realidad; ang pang-ekonomiyang inisyatiba ay wala ng natural na gabay sa paghahanap ng kasaganaan at pagkakaisa sa buong lipunan. Kapangyarihan ng estado, interbensyon ng estado ang tanging paraan para tangkaing pigilan ang paralisis ng ekonomiya, ang pagbagsak tungo sa ganap na kaguluhan. Pareho sa katapusan ng pang-aalipin at pyudalismo, mayroong paglaki ng tendensya tungong burukratisasyon ng lipunan at sistematikong pagkontrol sa indibidwal.

Ang tendenysang ito ay umabot sa nakakatakot na proporsyon sa panahon ng Mababang Imperyong Romano:

"Ang bawat isa ay diskontento sa kanilang sitwasyon at nagtangkang takasan ito. Lumayas ang magsasaka sa kanayunan, ang artisano ay iniwanan ang kanyang ginawa, ang decurion ay umalis sa munisipal na senado. Hindi solusyon ang kapangyarihan ng estado sa mga problemang ito: ang magagawa lamang nito ay itali ang bawat isa sa kanilang kalagayan at sarhan ang mga pintuan kung saan maari silang makatakas.

Ang moto ay ‘bawat isa sa kanilang kinalagyan' o maglaho ang kulturang Romano. Ito ay isang sitwasyon ng pagkontrol, isang tuloy-tuloy na pagkontrol ng buhay. Sa panlipunang mga kondisyon, ang mga propesyon ay minamana. Itinayo ang tunay na rehimeng caste; at hindi ito bagay na primitibo at ispontanyo, pero bago, pulitikal, na pinataw mula sa taas" (F Lot, Le Fin du monde Antique et le Debut du Moyen-Age, p 109).

Ilang mga manggagawa ay tinatakan ng nag-aapoy na bakal para mapigilan silang iwan ang kanilang mga trabaho. Ginawang pangakalahatang karapatan ang pagtugis.

Ang magkatulad na nesesidad ng pakikialam ng estado ay lumitaw sa katapusan ng pyudalismo. Pero may mahalagang pagkaaiba sa pagitan ng pang-ekonomiyang aksyon ng pyudal na kaharian at sa Mababang Imperyo.

Nagbigay-daan ang nabubulok na pang-aalipin sa sistema ng ekonomiyang nakasasapat-sa-sarili, isang partikular na hiwa-hiwalay na pang-ekonomiyang sistema. Ang pagtangkang i-sentralisa at palakasin ang estado sa isang banda, at sa pagpaunlad ng pyudalismo sa kabilang banda, ay dalawang magkasabay na magkatunggaling penomena. Ang pyudalismo, sa kabilang banda, ay papalitan ng kapitalismo, ibig sabihin ng isang sistema na nangangailangan ng mataas na antas ng konsentrasyon at intergrasyon ng pang-ekonomiyang buhay. Ang sentralisasyon at interbensyunismo ng pyudal na estado, na resulta ng pangangailangan para panatilihin ang nawawasak na sistemang pyudal, ay sa obhetibo ang bumubuo ng mga paraan para mapalaki ang mga batayan ng kapitalismo. Maraming pundamental na mga salik na nagpilit sa monarkiya para ipatupad ang dalawang istorikal na papel na ito:

  1. kadalasan ang monarkiya ay humihingi ng suporta sa burges na mga lungsod para mapalakas ang kanyang kapangyarihan;
  2. ang mga interes ng dominanteng mapagsamantalang uri, ang maharlika, ay relatibong umaayon sa lumilitaw na burgesya;
  3. ang lumalaking lakas ng burgesya, sa katapusan ng ika-15 siglo ang bumuo ng mga base ng kapitalismo, ang dahilan upang makabahagi ito ng kapangyarihan sa aristokrasya.

Ang pang-ekonomiyang mga hakbanging pinatupad nila Edward II, Edward III, ang merkantilistang mga polisya ni Henry VII sa Ingglatera, ang pang-ekonomiyang pag-unlad na nakamit sa ilalim ni Louis XI sa Pransya, ang proetaksyunistang mga patakaran na paborable sa pag-unlad ng industriya na pinatupad ng mga haring Pranses at English mula ika-14 siglo pataas, kabilang na ang pagtanggap ng dalawang monarkiya sa burges na mga parlyamento, lahat ay mga ebidensya sa nalalapit na papel na gagampanan ng pyudal na monarkiya sa proseso ng primitibong akumulasyon ng kapital.

Pero kabalighuan na tingnan lamang ang pyudal na monarkiya mula sa anggulong ito. Ang monarkiya sa esensya ay nanatiling pyudal, katunayan ito ang huling kuta ng pyudalismo. Pinatotohanan ito ng: ang palagiang tunggalian ng hari at burges na mga parlyamento; ang pagtatanggol ng hari sa mga prebilihiyo ng maharlika (sa Pransya ang mga commoners lamang ang nagbabayad ng buhis); ang pagtatanggol sa mga korporasyon; ang pakikipaglaban sa Protestantismo - ang ‘relihiyon ng burgesya' - sa Pransya; panghuli, ang katotohanan na ang mga burgesya sa Ingglatera at Pransya ay nag-rebolusyon para bigyang daan ang tunay na pag-unlad ng kapitalismo.

Kahit pa sa dalawahang papel na ginampanan ng monarkiyang pyudal, hindi maiwasan na ang pagpalakas ng estado sa esensya ay naglalayong panatilihin ang pyudal na sistema at tipikal na katangian ng lipunang bumubulusok-pababa.

Kung ang hitsura ng dekadenteng lipunan ay gaya ng katawan na nagpumilit maisuot ang damit na napakasikip, ang pag-unlad ng makinarya ng estado ay simpleng pagtatangka ng damit na palakasin ang sarili para ang lumalaking presyur mula sa katawan ay hindi siya wawasakin.

Pagkabulok ng dominanteng ideolohiya, pag-unlad ng mga digmaan at rebolusyon, pagpalakas sa estado, ito ang kapansin-pansing mga katangian ng lipunang bumabagsak, isang lipunan kung saan ang produktibong mga pwersa ay lalong nahihirapang umunlad. Ang pang-ekonomiyang sistema ay hindi na istorikal na nesesidad at sa halip naging hadlang na tinutulak ang lipunan sa lumalalang barbarismo.



[1] Ang penomenong ito ay may partikular na kahalagahan: kung ang pang-ekonomiyang sistema ay hindi na tatagal, kadalasan naobliga itong iwan ang ilang huridikal na mga aspeto para mapanatili ang anumang mahalaga: ang tunay na mga relasyon ng produksyon.

2. Krisis at pagbulusok-pababa

Ang pagbulusok-pababa at lantarang krisis ng kapitalismo sa ika-20 siglo ay mga penomena na magkaugnay pero magkaiba; hindi parehas pero nagtutulungan. 

Ang ating layunin dito ay hindi pag-aralan ang mga panahon ng krisis (halimbawa, 1929 o 1938); hindi ang pagtiyak kung ang kapitalismo ngayon ay nagsimulang dumaan sa mga tipo ng krisis na ito. Ang ating tungkulin ay ipakita na ang kapitalismo ay nasa yugto ng katandaan, ng pagbulusok-pababa, simula 1914 at ang kamangha-manghang 'tantos ng paglago' na pinagyabang nito, laluna simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa katunayan ay tinatago lamang ang paghihingalo ng sistema na paliit ng paliit ang kapasidad na gumawa ng mga kondisyon para sa sariling reproduksyon.

Ang konsepto ng pagbulusok-pababa

Pero ano ang tamang kahulugan ng pagbulusok-pababa na ito?

Sa unang bahagi ng artikulong ito (Revolution Internationale, Old Series, no 5) sinubukan nating magbigay ng kahulugan ng penomenong ito, ang kanyang mga dahilan at manipestasyon, na lumitaw sa nagdaang mga lipunan, partikular sa katapusan ng lipunang alipin ng Roma at pyudalismo ng kanlurang Uropa.

Maiksi nating masuma ang pangkalahatang ideya na lumitaw sa pag-aaral.

Salungat sa naniniwala sa ebolusyonistang pananaw ng kasaysayan na nais ipaliwanag ang pag-unlad ng lipunan ng tao na tuloy-tuloy, walang patid, laging pasulong na proseso, walang nagdaang lipunan na naglaho sa panahon ng kanyang tugatog. Sa yugto lamang ng humigit-kumulang matagal na pagbulusok-pababa ang hindi-pa-kapitalista na mga lipunan ay nagbigay-daan sa bagong mga porma ng panlipunang organisasyon.

Ang tugatog ng isang lipunan ay binuo ng kanyang hangganan. Ang panahong ito ay bumagay kung saan naabot ng tao ang maksimum na pag-unlad ng kanilang materyal na yaman ayon sa umiiral na antas ng teknolohiya, at sa umiiral na takdang mga relasyong panlipunan. Ang antas ng pag-unlad nito ang palatandaan ng paghinto. Hindi ito mapalitan kung hindi magamit ang bagong mga teknika ng paggawa, kung hindi iiwanan ang umiiral na dominanteng mga relasyon ng produksyon at kung hindi maibagsak ang panlipunang kaayusan na nakabatay sa mga relasyong ito. Sa tugatog nito naging obhetibong nesisidad ang pagdating ng bagong lipunan.

Kung ang direksyon ng kasaysayan ay mapayapang proseso ng palagiang ebolusyon, kung ganun ang panlipunang kombulsyon ay mangyari kasunod ng mga panahon ng tugatog. Pero ang kasaysayan ay kasaysayan ng tunggalian ng uri. Ang materyal na nesisidad ng panlipunang kombulsyon ay lalaki ayon sa pag-unlad ng produktibong mga pwersa, bilang obhetibong proseso na independyente sa kagustuhan ng tao. Subalit, ang kombulsyon mismo ay gawa ng tao at mas sakto sa isang panlipunang uri. Ang kanyang epektibong realisasyon ay nakasalalay sa obhetibo at suhetibong mga kondisyon na nagdetermina sa kagustuhan at sa posibilidad ng aksyon ng uring ito.

Ngayon, ang mga kondisyong ito ay hindi iiral sa tugatog ng panlipunang sistema. Kasunod ng kanilang tugatog, bago maglaho, lahat ng nagdaang mga lipunan ay dumaan sa mataas na yugto ng krisis at kombulsyon. Ang lumang mga istruktura ay naaagnas; ang bagong mga pwersa ay magtangkang igiit ang kanilang mga sarili. Ang yugtong ito ng dis-integrasyon at pagsilang, ang panahong ito ng barbarismo, ang panahong ito ng ‘panlipunang rebolusyon', ang bumubuo ng yugto ng pagbulusk-pababa ng isang lipunan.

Ang mga dahilan ng pagbulusok-pababa

Ano ang mga salik na bagama't hindi sila lumitaw sa panahon ng tugatog, ay naging dahilan na hindi mapigilan ang nesisidad ng pagbulusok-pababa?

Ang totalidad ng panlipunang mga relasyon na nag-uugnay sa mga tao ng ilang siglo ay hindi mapalitan sa isang araw. Hindi iiwanan ng tao ang isang kagamitan na nagsilbi sa kanya sa nakaraan hangga't hindi pa napatunayan na wala na talaga itong silbi sa kanya. Hindi mapatunayan ng isang panlipunang porma ang kanyang ‘kawalang silbi', sa kanyang istorikong pagiging lipas, maliban sa itutulak nitong kahirapan at barbarismo para manatili ito. Mga taon ng gutom, epidemya, at anarkiya ay kinakailangan bago mapilitan ang tao na magsimulang iwan ang pang-aalipin at pyudalismo. Tanging sa mga pangyayaring ito, na iniluwal ng pagbulusok-pababa ng lipunan, ang magbigay katapusan sa ilang siglo na mga kustombre, ideya at tradisyon. Ang kolektibong kamulatan ay laging nahuhuli sa obhetibong realidad.

Kaakibat ng mga elementong ito, mayroong dalawang obhetibong mga salik na kailangan para sa realisasyon ng simula ng bagong lipunan, na wala din sa panahon ng tugatog ng lipunan: sa isang banda, ang panghihina ng kapangyarihan ng nagharing uri, at sa kabilang banda, ang paglitaw ng bagong istorikal na tungkulin at ang panlipunang mga pwersang may kapasidad na ipatupad ito.

Ang kapangyarihan ng nagharing uri at ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga prebilihiyo ay makapangyarihang mga salik sa konserbasyon ng isang panlipunang sistema. Pero ang kapangyarihan ng uring ito ay nakaugat sa kakayahan ng sistemang pinagharian nito. Ang pag-iral ng mga uri ay resulta ng takdang pangangailangan ng dibisyon ng paggawa sa isang takdang pag-unlad ng mga teknika ng produksyon. Ang lakas ng kanilang kapangyarihan ay nakasalalay una sa pambihira at absolutong kailangang mga relasyon ng produksyon na umiiral sa ilalim ng kanilang paghari. Ang tugatog ng isang pang-ekonomiyang sistema ay siya ring pinaka-istableng panahon ng kapangyarihan ng nagharing uri. Kaya, ang pagbagsak ng naturang kapangyarihan ay magaganap lamang sa pagbagsak ng mga relasyon ng produksyon, sa yugto ng pagbulusok-pababa ng sistema. Lahat ng pagtatangkang artipisyal na panatilihin ang kapangyarihang ito sa pamamagitan ng estado at pampulitikang totalitaryanismo, (mga pagtatangka, gaya ng nakita natin, ay laging ginagawa at mahalagang palatandaan ng pagbulusok-pababa), ay katunayan pagkaagnas ng naturang kapangyarihan.

Panghuli, ang tao ay hindi iiwan ang isang kagamitan na mahalaga sa kanya hanggat hindi pa nakakita ng ibang kagamitan na ipapalit dito. Para iwanan ang isang moda ng produksyon (sa panahong ang modang ito ang nagbibigay ng mga paraan para sa ikabubuhay ng lipunan), kailangang lilitaw sa loob ng lumang lipunan ang mga pwersang absolutong kailangan para sa bagong mga relasyon ng produksyon. Sa nakaraang mga lipunan ang uring nagdadala ng bagong kaayusan ay hindi umiral (o umiral lamang bilang binhi), hanggat hindi lumitaw ang panahon ng dekadenteng yugto ng sistema. (Ang malalaking pyudal na pag-aari ay hindi talaga umunlad sa Lumang Roma kundi sa Huling Imperyo; ganun din sa pyudalismo, ang burgesya ay hindi lumitaw bilang uri bago ang simula ng ika-14 siglo.)

Ang tatlong pangunahing mga elementong ito na dinala ng pagbulusok-pababa ng sistema ay tiyak na hindi lamang ang makapagpaliwanag sa mga dahilan ng pagbulusok-pababa sa Romano at lipunang pyudal. Pero dahil sa kanila, nagawa nating maunawaan ang hindi maiwasang yugto ng pagbulusok-pababa ng nagdaang mga lipunan. Tingnan natin kung ito rin ang umiiral na mga dahilan sa ilalim ng kapitalismo. Pero una, kailangang muling tandaan ang prinsipal na manipestasyon ng mga yugto ng pagbulusok-pababa.

Mga manipestasyon ng pagbulusok-pababa

Lahat ng mga manipestasyong ito ay makita sa pangkalahatang krisis na may epekto sa buong istruktura ng buhay panlipunan.

1) Sa antas ng ekonomiya: (ang inpra-istruktura ng lipunan).

Lumalaki ang kontradiksyon ng produksyon sa mga restriksyon na walang iba kundi ang panlipunang mga relasyon ng produksyon mismo. Ang indayog ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa ay bumabagal, minsan ay humihinto. Ang lipunan ay dumaan sa mga krisis kung saan ang bigat at lawak ay lumalaki.

2) Sa antas ng super-istruktura:

Dahil ang lahat ng mga lipunan, kabilang na ang kasalukuyan, ang materyal na ikabubuhay ang pangunahing panlipunang usapin, sa huling pagsusuri laging ang mga relasyon ng produksyon ang nagdetermina sa porma at laman ng iba't-ibang panlipunang mga istruktura. Nang ang mga relasyong ito ay nasira, babagsak ang mga ito kasama ang buong edipisyo na nakabatay dito. Nang ang krisis na ito ay lalaki sa antas ng ekonomiya, lahat ng mga erya ng buhay panlipunan ay apektado.

Dito natin kailangang hanapin ang tunay na mga ugat ng bantog na 'krisis ng sibilisasyon'. Ang ideyalistang pananaw sa kasaysayan ay nawala sa sarili sa pag-aaral ng 'pagbulusok-pababa ng mga moral na istandard', sa nakasira o nakabuting impluwensya ng ganito o ganung pilosopiya o relihiyon; sa madaling salita, naghahanap ito sa larangan ng mga ideya, sa moda ng kaisipan, sa mga dahilan ng mga krisis. Hindi itinanggi ang mahalagang impluwensya ng mga ideya sa takbo ng mga pangyayari, pero tiyak, ayon kay Marx:

"Hindi mahusgahan ang indibidwal ayon sa ideya niya. Hindi mahusgahan ang yugto ng rebolusyon ayon sa kamulatan niya. Ang kamulatang ito ay maipaliwanag sa mga kontradiksyon ng materyal na buhay, sa tunggalian sa pagitan ng panlipunang produktibong mga pwersa at mga relasyon ng produksyon". (Marx, Preface to a Contribution to the Critique of Political Economy).

3) Sa larangan ng ideolohiya

Ang preserbasyon ng sistema ay naging masaklap na kahangalan at lalong nagpahina sa rasyunalidad ng ideolohiyang nagbibigay katwiran nito. Naaagnas ang ideolohiya, bumagsak ang lumang moralidad, ang artistikong pagkamalikhain ay tumigil o gumagalaw laban sa umiiral na mga bagay, umuunlad ang hindi paniniwala sa bagong ideya at pilosopikal na pesimismo.

4) Sa larangan ng panlipunang mga relasyon

Ang pagbulusok-pababa ay makikita sa:

a - Ang paglaki ng mga tunggalian ng iba't-ibang mga paksyon ng nagharing uri. Ang mga kondisyon ng pagkamal ng tubo; at kahit ang kanyang kantidad, ay lalong mahirap panatilihin; ang mga may-ari na gustong tiyakin ang kanilang ikabubuhay ay magagawa lamang sa kapinsalaan ng iba pang mga myembro o praksyon ng kanilang uri, kaya inabandona ang lahat ng posibilidad ng kooperasyon.

b - Ang paglaki ng mga tungalian sa pagitan ng antagonistikong mga uri: ang mga pakikibaka ng pinagsamantalahang uri na nakaranas ng lalupang kahirapan dahil ang pagsasamantala ay tinulak sa sukdulan ng mapagsamantalang uri; ang pakikibaka ng uri na nagdadala ng bagong lipunan, (sa nakaraang mga lipunan, ang uring ito ay laging kaiba sa pinagsamantalahang uri), at lumitaw laban sa mga pwersa ng lumang kaayusan.

5) Sa larangang pampulitika

Naharap sa ganitong krisis, kung saan ang nagharing uri ay hindi na kayang tiyakin ang kanyang pampulitikang kapangyarihan tulad ng dati, ang makinarya ng kaayusan, ang Estado, ang ultimong kristalisasyon ng mga interes ng lumang lipunan, ay pinalakas at pinalawak ang awtoridad sa lahat ng erya ng buhay panlipunan.

Sa unang bahagi ng artikulong ito pinakita natin paanong ang mga katangiang ito ay lumitaw sa katapusan ng lipunang alipin ng Romano at sa panahon ng dekadenteng pyudalismo. Pinakita natin paanong ang totalidad ng penomenang ito ang bumuo ng malinaw na manipestasyon ng pagbulusok-pababa ng lipunan.

3. Dekadenteng kapitalismo

Pero paano natin isalarawan ang pagbulusok-pababa ng kapitalistang lipunan? Hindi ibig sabihin na kung magkapareho ang mga sintomas ay magkatulad na ang sakit ng iba't-ibang indibidwal, maliban lang kung magkatulad sila ng uri o parehong klase. Ayon sa katangian ng pagbulusok-pababa ng nagdaang mga lipunan, ganun din ba ang pagkonsidera natin sa kapitalismo? Ang lumang mga sintomas at mga sanhi ba ay mapanatili ang kanilang katumpakan kung ilapat sa kapitalismo?

Sa antas ng materyal na produksyon, ang pagpailalim ng panlipunang sistema sa pag-unlad ng produktibong mga pwersa ay isang batas na nanatiling balido sa ilalim ng kapitalismo. Hangga't ang sangkatauhan ay nabubuhay sa ilalim ng 'paghari ng nesisidad', hangga't hindi pa umabot sa yugto ng kasaganaan na papawi sa mga problema ng materyal na ikabubuhay o mailagay man lang ito sa segundaryong posisyon - yugto na napakalayo pa sa sangkatauhan - ang unang tungkulin ng isang pang-ekonomiyang sistema ay pagpapaunlad pa rin ng produktibong mga pwersa. Higit pa, nang naging pangkalahatan ang kompetisyon sa ekonomiya ng pamilihan, ginawang mas makapangyarihan ng kapitalismo (sa sistemang ito ang kapital na hindi lalago ay maglalaho o mapunta sa ibang mga kamay) ang nesisidad sa pagpapaunlad.

Kaya tiyak para sa kapitalismo, gaya sa pyudalismo at pang-aalipin, ang hindi sapat na pag-unlad ng produktibong mga pwersa ay kumakatawan, sa istorikal na pakahulugan, sa isang nakamamatay na pagtigil.

Pero kung dumating na ang kondisyong ito, ito ba ay kumakatawan na sa di-mapigilang yugto ng pagbulusok-pababa tulad ng ibang mga lipunan?

Ang kapitalismo ay unang-una, nanatiling lipunan na nahahati sa mga uri; pangalawa, isang lipunan na ang tao ay patuloy na nabubuhay sa ilalim ng dominasyon ng kanilang pang-ekonomiyang pangangailangan, at kaya di-mulat na napailalim sa kanilang panlipunang mga istruktura. Makita natin sa kapitalismo ang ilang esensyal na mga katangian sa nagdaang mga lipunan, at sa partikular ang mga katangian na nagpakita na hindi mapigilan ang yugto ng pagbulusok-pababa. Ang mga katangiang ito ay masuma sa sumusunod: nahuhuli ang kolektibong kamulatan sa realidad, ang pagsandal ng kapangyarihan ng nagharing uri sa bisa ng produktibong mga relasyon, ang bigat at hatak ng mga kustombre at kaugaliang nakuha mula sa lumang lipunan, ang imposibilidad na maabot ang bagong panlipunang porma na hindi pa napatunayang lipas na ang luma, at bago magsimulang uusbong sa loob ng lipunan ang bagong istorikal na tungkulin. Tulad ng mga lipunang nauna dito, ang kapitalismo ay kailangang dadaan sa yugto ng pagbulusok-pababa.

Subalit, katabi ng mga katangiang ito na komon sa lahat ng mga lipunang nakabatay sa pagsasamantala, may mga katangian din ang kapitalismo na ibang-iba sa pang-aalipin at pyudalismo. Unang-una, ang sistema na papalit sa kapitalismo ay hindi sistema ng pagsasamantala. Kaya, ang pagbulusok-pababa ng kapitalismo ay naglalaman ng bagong partikularidad kaugnay sa ibang mga sistema.

Ang sosyalismo ang unang sistema sa kasaysayan na hindi lilitaw sa loob ng lipunang papalitan nito. Ang pyudal na pang-ekonomiyang mga relasyon ay isinilang sa loob ng katapusan ng Imperyong Romano, sa malalaking kalupaan na humigit-kumulang naging independyente sa sentral na kapangyarihan; ang kapitalismo ay isinilang sa loob ng mga burghs at pagkatapos sa mga lungsod ng lipunang pyudal. Sa parehong mga kaso, ang nagharing uri sa hinaharap ay dahan-dahang pinapalitan ang una.

Salungat dito, walang posibilidad ang proletaryado na mabuo ang bagong lipunan sa loob ng kapitalismo. Bilang pinagsamantalahang uri, na direktang pinanggalingan ng tubo ng nagharing uri, hindi nito maitulak pasulong ang sariling istorikal na tungkulin na hindi total na durugin ang kapangyarihan ng naturang uri. Kabaliktaran sa nakaraan, ang mutwal na pag-iral ng dalawang sistema ay hindi maari. Dahil ang kapitalismo ang unang sistema na pinag-ugnay ang buong pandaigdigang produksyon sa iisang direksyon tungo sa integradong mundo, imposible ang sosyalismo sa isang bansa. Nagkahulugan ito na ang dekadenteng kapitalismo ay isang pagbulusok-pababa na obligadong mas malinaw, mas marahas kaysa nakaraan.

Nagtagal ang pyudalismo sa Pransya kahit sa ilalim ng pormang monarkiyal, hanggang sa ika-18 siglo, salamat sa kasaganaan ng burgesya na nagbibigay ng parsyal na satispaksyon sa pang-ekonomiyang pangangailangan na hindi na mismo maibigay ng pyudalismo. Hindi ito ang kaso sa kapitalismo na siya mismo ang nagtulak sa sarili sa libingan. Hindi isang mapakinabangang kakompetinsya ang tagahukay nito na maari nitong mapagbigyan, kahit pansamantala, kundi mortal na kaaway na bunga ng ilang siglong pang-aapi kung saan ang lahat ng kompromiso ay imposible. Hindi makontrol ng lipunan ang marahas at totoong mga bunga ng dekadenteng dekadenteng kapitalismo. Kaya, sa isang banda ang pagbulusok-pababa nito ay mas maigting kaysa nakaraan, at sa kabilang banda, mas maiksi: ang mas malaking ebidensya ng kanyang mga epekto ay nagkahulugan ng mas biglaang yugto ng reaksyon.

Ang proletaryado

Salungat sa ibang rebolusyonaryong mga uri sa kasaysayan, ang proletaryado ay hindi lumitaw sa panahon ng pagbulusok-pababa sa nakaraang sistema ng produksyon, kundi sa kanyang simula. Nang naabot ng kapitalistang lipunan ang tugatog, ganap ng maunlad ang proletaryado bilang pang-ekonomiyang uri; nang nagsimulang pumasok ito sa kanyang dekadenteng yugto, ang kanyang tagahukay ay nasa tugatog na ng kanyang kalakasan sa bilang. Ang katapusan ng kapitalismo ay hindi mangyari, tulad sa nakaraan, nang ang arkitekto sa kanyang pagkadurog ay isinilang at lumaki sa tambak ng dumi ng bumulusok-pababa na lumang mundo.

Dalawang iba pang mga salik ang tumulong para paiksihin ang dekadenteng kapitalismo:

a - Mas maliit na importansya ng ideolohikal na mga relasyon. Sa ilalim ng sistema ng sahurang paggawa at kapital walang relihiyoso, pulitikal o personal na relasyong namagitan sa mga relasyon ng pagsasamantala (kabaliktaran noong panahon ng pang-aalipin at pyudalismo). Lumitaw ang mas direktang ugnayan ng buhay panlipunan at pang-ekonomiya. Kaya, mas mabilis na reaksyon ang nangyayari sa panlipunang antas sa pang-ekonomiyang kahirapan na katangian ng yugto ng pagbulusok-pababa.

b - Panghuli at higit sa lahat, nabubuhay lamang sa kompetisyon (sa nasyunal at internasyunal na antas), hindi iiral ang kapitalismo kung hindi uunlad.

Totoo na walang lipunan sa nakaraan na makapagpatuloy na hindi tiyakin ang pag-unlad ng produktibong mga pwersa. Pero sa nakaraan ang pag-unlad na ito ay hindi talaga tunay na batayang katangian ng umiiral na mga relasyon ng produksyon. Ang mga tubo at prebilihiyo ng mga myembro ng nagharing uri ay hindi direktang nakasalalay sa kanilang kapasidad na tiyakin ang kanilang sariling pang-ekonomiyang paglawak. Ang tubo na napiga nila mula sa paggawa ng mga magsasaka o alipin ay para sa kanilang personal na konsumsyon at luho. Nagkataon lamang na nagsilbi ito para paunlarin ang produksyon. Nang ang mga sistemang ito ay nagsimulang banggain ang kanyang mga pang-ekonomiyang kontradiksyon, nangyari ang pagbagal ng pag-unlad at maging istagnasyon kung hindi madaling hihina ang nagharing uri at lalong maghirap, at ang pang-ekonomiyang buhay ng lipunan ay maparalisa.

Sa ilalim ng kapitalismo, kung hindi matiyak ang paglaki ng akumulasyon ng kapital, ang buong proseso ng pagpiga ng tubo at ang buong proseso mismo ng produksyon, ay maharangan. Ito ang isa sa esensyal na mga katangian ng kapitalistang sistema.

Ngayon ang prinsipal na katangian ng pagbulusok-pababa ng sistema ay ang lumalaking kawalan ng posibilidad ng lipunan na uunlad ang ekonomiya na hindi iiwan ang umiiral na mga relasyon ng produksyon. Kaya mahirap isipin ang matagal na yugto ng dekadenteng kapitalismo at malinaw na ang pagbulusok-pababa ng isang sistema ay istorikal na penomenon, ang mga dahilan at prinsipal na mga manipestasyon nito ay saktong mailatag. Ang yugto ng dekadenteng kapitalistang sistema ay nagpakita ng magkatulad na katangian ng dekadenteng mga yugto ng nagdaang mga lipunan, pero sa iba't-ibang dahilan, ang dekadenteng kapitalismo ay mas maiksi at mas matindi kaysa yugto ng pagbulusok-pababa ng ibang mga sistema. Sa pagkasabi nito, kailangan  harapin ngayon ng pagsusuring ito ang realidad ng kapitalismo.

Ang teorya ng pagbulusok-pababa at ang kasalukuyang kapitalismo

Maaring sabihin na magsimula tayo ng pag-aaral sa puntong ito. Sa iba't-ibang kadahilanan, ito ang tamang gawin. Ang konsepto ng dekadenteng kapitalismo ay nagkaroon lamang ng interes sa mga rebolusyonaryo sa simula ng nakakagulat na pagputok ng Unang Digmaang Pandaigdig. Walang duda, ang isplit sa pagitan ng Ikalawa  at Ikatlong mga Internasyunal sa panahon ng Unang Digmaang pandaigdig ay nangyari sa konteksto ng debate hinggil sa katapusan ng pasulong na yugto ng kapitalismo at sa pagpasok nito sa panahon ng 'gera at rebolusyon'. Subalit, mula noon sa mahigit limampung taong tagumpay ng kontra-rebolusyon, at dahil nga sa kontra-rebolusyon, nagkulang ang rebolusyonaryong teorya sa lawak at lalim ng pananaw na kailangan sana para maintindihan ang mga pagbabagong dinaanan ng realidad sa mundo.

Ngayon, sa dulo ng ideolohikal tunel na ito, sawimpalad din na kadalasan ang iba't-ibang mga tunguhin na umaangking bahagi ng rebolusyonaryong proletaryong kilusan ay nanatiling nahati sa pagitan ng labis na nadala sa ‘bagong mga implikasyon' o ‘bagong realidad' (napalitan na ang marxismo) at sa mga nanatiling relihiyosong kumapit sa lumang mga teksto at ideya bilang reaksyon sa unang tendensya (cf. ang 'Bordigistang' Internasyunal na Partido Komunista sa kanilang sigaw na 'walang nagbago'; ang kanilang 'walang nagbago' sa rebolusyonaryong programa mula 1848). Sa pagitan ng dalawang kampong ito pero sabay-sabay na nahulog sa parehong mga tendensya, makita natin ang mga Trotskyista na dumikit sa ‘Transisyunal na Programa" ni Trotsky subalit handang sundin ang bawat usong teorya, (nagsariling pangasiwa, neo-kapitalismo, third worldism), nang makita na ang naturang mga teorya ay nakatulong para makakuha ng ilang rekrut. Ang epekto nito ay ang konsepto ng ‘pagbulusok-pababa', na ginawan lamang ni Marx ng pahapyaw na balangkas, ay nanatiling napakalabong ideya at napaligiran ng kalituhan para maiwasan natin ang pagbaybay sa kanyang kahulugan sa simula ng pag-aaral na ito.

Ang super-istruktura

Maaring magmukhang ilohikal na simulan ang 'konprontasyon ng realidad' sa pamamagitan ng pagsuri sa super-istruktura ng kapitalismo (ideolohiya, pulitika, tunggaliang panlipunan), at hindi ang ekonomiya, ang una, sa huling pagsusuri ay produkto lamang ng huli. Pero, gamitin natin ang paraang ito para mas madaling masundan ang ating argumento. Walang duda, habang sa pangkalahatan madaling makilala sa modernong kapitalismo ang mga manipestasyon sa super-istruktura ng dekadenteng yugto (bawat modernong moralista naobligang pana-panahon ay magsalita ng 'krisis ng sibilisasyon', at iba pa), bihira nating makita ang isang malinaw at lohikal na pagsusuri sa ekonomikong proseso. Kaya, mayorya ng mga paliwanag ng ating 'krisis ng sibilisasyon' ay hindi lumagpas sa ideyalistang empirisismo. Sa pamamagitan na unang suriin ang ‘super-istruktura', hindi lang natin ginawang mas simple ang pag-unawa sa pagsimula sa pinaka-simpleng mga aspeto; pero para masagot ang pang-ekonomiyang problema sa huli, palawakin natin ang mahalagang argumento dito, sa ganun makamit ang pagkakaugnay na mahalaga sa anumang syentipikong pag-aaral.

Sa larangang ideolohikal

Hindi natin lubusang maaral dito ang ugnayan sa pagitan ng dominanteng ideolohiya sa buhay ng kapitalismo sa nagdaang mga dekada. Ma-istablisa lamang natin ang lawak ng pagkaagnas ng dominanteng ideolohiya.

Mahirap i-partikularisa ano ang bumubuo sa kapitalistang ideolohiya: una, dahil hinigop nito ang mga elemento ng ideolohikal na mana na komon sa makauring mga lipunan sa loob ng ilang libong taon. Pangalawa, sa ilalim ng naturang bulag na mekanikal na sistema, ang pagsandal ng panlipunang mga relasyon kaugnay sa mga kagamitan ng produksyon, ang ideolohiya bilang instrumento sa preserbasyon ng mga relasyong ito ay hindi gumagampan ng sentral na papel tulad sa nakaraan kahit pa napakahalaga nito. Subalit, nagpatotoo na ang 'etika sa paggawa', 'pagsamba sa panlipunang progreso', 'tiwala at respeto sa mga institusyon' o 'paniwala sa kapitalistang kinabukasan' ang bumubuo sa mga pundasyon ng dominanteng ideolohiya. Lahat ng ito ay marahas na napawi sa nagdaang limampung taon bilang resulta ng kabangisan ng kapitalistang buhay. Lalong mahirap umawit ng mga papuri at sambahin ang mga prinsipyo ng lipunan kung saan sa limampung taon ay nakitaan ng 100 milyong pinatay dahil sa mga digmaan kung saan lalong lumilinaw ang kawalan ng kabuluhan; isang lipunan na pinakita ang kawalan mismo niya ng kapasidad na mabigyan ng pinaka-batayang ikabubuhay ang dalawa sa tatlo ka tao; isang lipunan kung saan ang dalawang makapangyarihan sa ekonomiya ay gumastos sa armas katumbas ng kita ng isang-katlo ng sangkatauhan; isang lipunan kung saan ang pinaka-prebilihiyadong mga erya sa mundo, ang halaga ng karapatang hindi mamatay sa gutom ay isang mala-halimaw na buhay sa araw-araw.

Ang malalaking mga gawa ng ideolohiya tulad nila Hitler, Mussolini, Stalin, Mao, at iba pa...(penomena na maikumpara sa mga kulto ng kabanalan ng mga emperador ng dekadenteng Roma at sa mga monarkiya ng katapusan ng pyudalismo); ang krisis sa Simbahan; ang kahirapan ng kapitalismo na iwanan ang mga paraan ng pagtuturo na sa matagal na panahon ay hindi tugma sa teknikal na mga pangangailangan; kabilang na ang krisis sa unibersidad, ang pangunahing sentro ng nagharing ideolohiya (cf. 'Le mouvement etudiant' at 'Critique' in Revolution Internationale, old Series, no 3), lahat ng ito ay malalang mga ekspresyon ng unang sintomas ng pagbulusok-pababa: ang pagkaagnas ng ideolohiya.

Ang pagkaagnas na ito sa nagdaang labindalawang taon o higit pa ay nakitaan ng pambihirang uso sa hanay ng kabataan. Ang pagkamuhi ng kasalukuyang henerasyon sa modernong daigdig, na nagbunga ng iba't-ibang pagtatangka para makaiwas sa 'kawalang halaga' o aktitud ng konprontasyon, ay ilang libo ng sinasabi ng mga pahayagan at media. Ang 'luksong pasulong' na ito ay huli ng dumating, (mahigit limampung taon matapos ang 1914 at sa rebolusyonaryong mga alon sa 1917-23). At isang dahilan nito ay laging may puwang sa pagitan ng mga pormang ideolohikal at ng ebolusyon ng sosyo-ekonomikong realidad. Kinailangang hintayin ang pagdating ng isang henerasyon na hindi nakaranas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig o nakaranas ng marahas na atake ng kontra-rebolusyon pagkatapos ng 1917-23 na rebolusyonaryong alon. Dagdag pa, itong huling pag-unlad ay maipaliwanag ng ekonomikong istabilidad na tinatamasa bunga ng rekonstruksyon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang unang mga palatandaan ng kahinaan ay hindi naramdaman kung hindi lilipas ang ilang taon, partikular sa hanay ng kabataan, ang unang panlipunang saray na naapektohan ng mga problema ng kawalan ng trabaho.

Sa antas ng pilosopiya, lumiliit ang lugar para sa mga ideya na nagsasabing mas ‘matiwasay' ang lipunan. Ang mga intelektwal ngayon ay kinikilala ang mga sarili bilang mga rebolusyonaryo o demoralisado, pesimistiko at walang pakialam. Ang hindi paniniwala sa bagong mga ideya at mistisismo ay muling naging uso (cf. Revolution Internationale, old Series, no 6).

Sa larangan ng arte, ang pagbulusok-pababa ay makita mismo sa partikular na marahas na paraan, at tatagal pa ang diskusyon sa ebolusyon sa arte sa harap ng abnormal na mundo. Tulad ng nagdaang mga yugto ng pagbulusok-pababa, ang arte, kung hindi ito titigil sa walang katapusang pabalik-balik sa nakaraang mga porma, ay nanindigan laban sa umiiral na kaayusan, o kadalasan ay ekspresyon ng kalagiman.

Nang ang mundo ng mga ideya ay dumaan sa naturang ligalig, ito ay palatandaan na may nangyari sa antas ng materyal na produksyon.

Sa panlipunang antas

Sa pagbulusok-pababa ng kapitalismo, lumalaki ang mga tunggalian ng mga paksyon ng nagharing uri. Kahit ang paglala ng kompetisyon sa pagitan ng mga kapital sa loob ng isang bansa ay may panahong pinagaan ito sa pamamagitan ng konsentrasyon (na maaring aabot sa punto na ang estado ang kokontrol sa buong proseso ng produksyon), ang kompetisyon sa antas ng pandaigdigang pamilihan ay lumaki hanggang sa kabaliwan:

  1914-18:  20 milyon patay   1939-45:  50 milyon patay.

Simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa pamamagitan ng mga digmaan sa pambansang pagpapalaya, ang digmaan sa pagitan ng iba't-ibang kapitalistang mga bloke ay hindi tumigil at nagbunga ng dagdag na milyun-milyong patay, na sinasakripisyo sa altar ng pandaigdigang dominasyon. Ngayon hindi na makapiga ng sapat na tubo ang mga kapitalista para hati-hatiin ang mundo sa batayan ng kooperasyon. Ang pagbulusok-pababa ng nagdaang mga lipunan ay nagbunga ng pagkasira ng buong mga bansa; ngayon, posibleng buong mundo ang magunaw.

Paglaki ng mga pakikibaka ng pinagsamantalahang uri

Sa ika-19 siglo ang mga pakikibaka ng uring manggagawa sa pangkalahatan ay repormista ang katangian, ibig sabihin naghahanap na mapabuti ang kalagayan ng uri sa loob ng sistema (ang Komuna sa Paris, na isang rebolusyonaryo, ay mas ‘aksidente ng kasaysayan' kaysa palatandaan ng panahon). Sa takbo ng mga pakikibakang ito, sa esensya ang proletaryado ay kumikilos at halos nag-iisa bilang pinagsamantalahang uri. Sa pagputok ng Unang Digmaang Pandaigdig ang mga tunggaliang ito ay dumaan sa radikal na transpormasyon kapwa sa kanilang lawak at laman. Ang umuunlad na kilusan ay hindi na lang natali sa ilang pabrika o isang lungsod. Ang buong Uropa ay nagliyab sa pinaka-makapangyarihang proletaryong kilusan sa kasaysayan. Ang kanyang laman ay hindi na repormahin ang sistema kundi radikal na ibagsak ito. Ang paksyon sa Rusya ng pandaigdigang proletaryo ay nagawang durugin ang makinarya ng burges na estado at temporaryong naagaw ang kapangyarihan mismo.

Matapos ang tatlong taong digmaan, napatunayan ng kapitalismo ang kanyang istorikal na kawalan ng kapasidad na ipagpatuloy ang pagtiyak ng pag-unlad ng sangkatauhan. Sabay-sabay na binago ng proletaryado ang kanyang pakiki