04/23/2012 - 06:16

 Na-upgrade na ang site, at maari ng magkomento. Para magkomento, pindutin ang ‘Talakayin ito’ link sa artikulo, at ang inyong mga komento ay makikita sa forum.

05/17/2007 - 17:44
Nagkahulugan ba ito na ang naghaharing uri ay naangkin na ang siguradong tagumpay? Lubusan na ba itong nakaalpas sa mga kontradiksyon na sumisira sa kanyang sistema mula sa simula, at laluna sa huling mga dekada? Naitaboy na ba nito ang multo ng komunistang rebolusyon na gumugulo sa kanya sa loob ng mahigit isang siglo? Ito ang nais ipaniwala sa mga pinagsamantalahan. Pero huwag magpalinlang. Ang "bagong" daigdig na inialok ng naghaharing uri ay mas masahol pa, hindi mas mabuti, kaysa nangyari noon. Ni nagsalita na ang uring manggagawa sa kanyang huling paalam. Kahit na temporaryo itong napatahimik, may lakas pa ito para tapusin ang kapitalismo at ang kabangisan na resulta nito. Higit pa noon, ang paglaban ng manggagawa ang tanging pag-asa ng sangkatauhan para makalaya sa kadena ng kahirapan, digmaan, at lahat ng iba pang kalamidad na nangyayari. Iyan ang kailangang sabihin ng mga rebolusyonaryo sa kanyang uri. Ito ang paksa ng aming manipesto.
09/04/2007 - 19:21

"Ang tradisyon ng patay na mga henerasyon ay nakakabigat tulad ng isang bangungot sa kaisipan ng mga buhay. At, sa panahon na abalang-abala na sila sa rebolusyonaryong transpormasyon sa kanilang sarili at sa kanilang materyal na paligid, sa paglikha sa hindi pa umiiral, tiyak sa mga panahon ng rebolusyonaryong krisis nahihiya silang tawagin ang mga ispiritu ng nakaraan para tulungan sila; hiniram nila ang kanilang mga pangalan, islogan at pananamit..." (Marx, The Eighteenth Brumaire of Louis Bonaparte, 1852).

03/28/2007 - 16:37

Mula nang matalo ang dakilang internasyonal na rebolusyonaryong kilusan ng internasyonal na rebolusyonaryong daluyong sa kalagitnaan ng 1920s, walang ni-isang termino na mas binaliktad o inabuso kaysa yaong sa sosyalismo, komunismo at marxismo. Ang ideya na ang mga Stalinistang rehimen ng dating Eastern Bloc, o mga bansang tulad ng China, Cuba at North Korea ngayon, ay mga ekspresyon ng komunismo o marxismo ay tunay na malaking kasinungalingan sa ika-20 siglo, na sinadyang pinanatili ng lahat ng mga paksyon ng naghaharing uri mula sa dulong kanan hanggang sa dulong kaliwa. Sa panahon ng imperyalistang pandaigdigang gera sa 1939-45, ang katha-kathang "depensahan ang sosyalistang amang bayan" ay ginamit, kasama ang "anti-pasismo" at ang "depensahan ang demokrasya", para mobilisahin ang manggagawa kapwa sa loob at labas ng Rusya para sa pinakamalaking patayan sa kasaysayan ng sangkatauhan...

07/11/2007 - 18:23
Ang 1960s ay kasiglahan ng third worldism at alamat ng pambansang pagpapalaya. Ang madugong digmaan sa Byetnam na inilarawan ng mga kaliwa at liberal bilang ‘dakilang pakikibaka ng mamamayang Byetnames laban sa imperyalismong US'; ang Tsina bilang moog ng inaaping mga mamamayan ng daigdig, at ang mga kaisipan ni Tsirman Mao hinggil sa di-maunlad na mga bansa na bumubuo ng napakalaking rebolusyonaryong hukbo at kumukubkob sa kapitalistang mga sentro; ang necrophiliac na kulto kina Che; Castro, Ben Bella, Fanon, Marcuse, black power ... isang buong henerasyon ng mga estudyante at maging ng mga militante sa uring manggagawa ang pinalaki sa mga alamat na ito at sa iba't-ibang mga kampanya ng pagkakaisa sa ‘anti-imperyalistang' pakikibaka. Ang manggagawang industriyal sa abanteng mga kapitalistang bansa, ayon sa alamat, ay nabili na ng imperyalismo; nagpaligaya sila sa mga benepisyo ng masaganang kapitalismo sa kapinsalaan ng mga mamamayan ng ikatlong daigdig. Ang proletaryado ay hindi na ang pangunahing rebolusyonaryong pwersa sa lipunan. Ang motibasyon para sa rebolusyon ay magmumula sa magsasaka at mahihirap na masa sa atrasadong mga bansa, na pinamunuan ng mahusay na gerilyang mga hukbo at nakipag-alyansa sa bagong rebolusyonaryong taliba sa abanteng kapitalistang mga bansa -- hindi sa mga manggagawa, kundi sa mga estudyante, mga ‘itim', ‘kababaihan'
03/01/2009 - 19:25
Ang serye ng mga di-opisyal na mga welgang sinindihan ng pakikibaka ng mga manggagawa sa konstruksyon at pagkukumpuni sa planta ng Lindsey ang isa sa pinaka-importanteng pakikibaka ng manggagawa sa Britanya sa nagdaang 20 taon.

Libu-libong mga manggagawa sa konstruksyon sa ibang planta ng langis at istasyon ng elektrisidad ang lumabas sa kani-kanilang trabaho bilang pakikiisa. Regular na iniorganisa at idinaos ang mga pulong-masa. Sumama sa mga piket sa iba't-ibang mga istasyon at planta ang mga manggagawa sa konstruksyon, bakal, daungan na nawalan ng trabaho pati ang iba pang manggagawa. Hindi nabahala ang mga manggagawa sa ilegal na katangian ng kanilang pagkilos bilang ekspresyon ng kanilang pakikiisa sa nagwelgang mga kasamahan, ng kanilang galit sa tumataas na bilang ng walang trabaho at sa kawalan ng solusyon ng gobyerno dito. Nang sumama sa pakikibaka ang 200 Polish na manggagawa sa konstruksyon, umabot ito sa kanyang rurok ng direktang kwestyunin ang nasyunalismo na bumabalot sa kilusan sa umpisa.

08/21/2007 - 22:22
Maraming mga argumento at pagsusuri sa mga posisyon ng PKP na ginawa si Lagman para igiit ang kanyang sariling posisyon. Hindi natin sinuri ang lahat ng ditalye dahil isa itong pagsusuma at wala ng iba pa; sa kabilang banda, sinubukan lamang nating kunin ang pinaka-esensyal na mga elemento na makatulong sa atin para magkaroon ng malinaw na ideya sa mga posisyon ni Lagman.
11/01/2008 - 20:24

Ang mga politiko at ekonomista ay naubusan na ng mga salitang naglalarawan sa bigat ng sitwasyon: "nasa hangganan ng kailaliman", "Isang Pearl Harbor sa ekonomiya" "Isang rumaragasang tsunami" "Ang 9/11 sa pinansya"... kulang na lang ang Titanic.

Ano ba talaga ang nangyari? Nahaharap sa napipintong unos sa ekonomiya, marami ang nakababahalang katanungan. Papasok na ba tayo sa panibagong pagbagsak gaya ng sa 1929? Paanong nangyari ito? Ano ang gagawin natin para maipagtanggol ang ating sarili? At anong uri ng mundo ang tinitirhan natin?

05/17/2007 - 15:19

Matapos ang napakataas at napakalalim na yugto ng kontra-rebolusyon, muling hinanap ng proletaryado ang daan ng makauring pakikibaka. Ang pakikibakang ito - na epekto kapwa ng malalang krisis ng sistemang lumalago simula ng pagpasok ng 1960s, at ang paglitaw ng bagong henerasyon ng mga manggagawa na hindi masyadong naramdaman ang bigat ng nagdaang mga pagkatalo kaysa mga nasundan nito - ang pinakamalawak na inabot ng uri sa kanyang pakikibaka.

05/05/2008 - 18:43

"Ang tanong na kailangang mapagpasya nating sagutin ay:paano natin maibagsak ang kapitalismo, paano tayo kikilos sa layuning ito sa paraan na, sa buong proseso,manatiling kontrolado ng proletaryado?" (Interbensyon ng KAPD sa Ikatlong Kongreso ng Komunistang Internasyunal, 1921)

Ang usapin ng organisasyon ng kilusang manggagawa sa kanyang buong kasaysayan ay nagtulak ng mga teksto, diskusyon at pagkakaiba. Magunita natin, halimbawa, ang mga debate sa loob ng International Working Men's Association, ang mga debate sa pagitan ni Lenin, Luxembourg at Trotsky at ang mga teksto sa usaping ito ng kaliwang kilusang komunistang Italyan at Aleman. Natural na tangkaing linawin ng mga rebolusyonaryo ang kanilang paraan sa organisasyon, ang kanilang mga tungkulin sa loob ng uring manggagawa at ang katangian ng kanilang interbensyon. Naharap ang uring manggagawa sa pundamental na usapin: Paano mapaunlad ang kanyang pag-unawa sa kapitalistang sistema? Paano maghanda para sa huling pakikihamok sa kapitalismo?

12/02/2007 - 15:33

Sa ika-19 siglo nakipaglaban ang mga manggagawa sa lansangan para ipagtanggol ang kanilang mga unyon at igiit ang kanilang karapatang mabuhay sa nagharing uri. Ngayon, ang mga gobyerno ng nagharing uri ay nakipaglaban para pigilan ang mga manggagawa na makibaka lagpas sa mga unyon at pigilan silang umalis sa mga organisasyong ito.

Ang mga unyon ba ngayon ay mga organisasyon na nagtatanggol sa interes ng uring manggagawa?

Ang mga unyon ba sa ating panahon ay mapigilan o malimitahan ang permanenteng mga atake sa kabuhayan ng mga manggagawa?

Ano ang kinabukasan ng pakikibaka ng manggagawa?

Paano tayo makibaka?

Krisis ekonomiya sa Tsina

05/09/2012 - 23:40

Habang lumalakas ang nakakalasong ideolohiyang nasyunalismo sa Tsina at Pilipinas, tumitindi naman ang propaganda ng internasyunal na burgesya na hindi ang kapitalismo ang nasa krisis kundi mga ispisipikong mga bansa lamang dahil sa maling pamamalakad ng ekonomiya at pulitika ng naturang mga bansa o kaya dahil sa korupsyon ng mga nasa kapangyarihan.

Sabi ng internasyunal na burgesya, kabilang ang Tsina sa mga bansang patunay na “may liwanag pa sa dulo ng krisis” dahil “umuunlad” ang kanilang ekonomiya.

Pahayag para sa Mayo Uno 2012

04/29/2012 - 02:34

Posible at kailangan ng ibagsak ang kapitalismo ngayon. Posible at kailangan ng itayo ang lipunang walang pagsasamantala at pang-aapi. Para ito ay maging realidad, kailangan nating lumaban. Lubhang napakahirap ang daan tungong sosyalismo. Pero ito lamang ang tanging daan para lumaya mula sa kahirapan.

Pahayag sa umiinit na isyu sa Spratly

04/28/2012 - 05:59

Ang “pambansang soberanya” at “pambansang pagkakaisa” ay mga kadena na gumagapos sa atin para huwag lumaya sa bilangguan ng kapitalismo. Ang mga ito ay mapanghati sa atin bilang isang internasyunal na uri. Ang mga pagkilos sa linyang makabayan ay mga pagkilos upang pahinain ang ating makauring kilusan.

Manggagawang Tsino at manggagawang Pilipino, hindi natin interes at wala tayong pakinabang sinuman ang magmay-ari ng Spratly Islands. Ang interes natin ay lumaya mula sa kahirapan dulot ng pagiging sahurang alipin. Ang interes natin ay maglaho sa mundo ang kapitalismo at maitayo ang isang lipunan na walang pang-aapi at pagsasamantala. Kaaway natin pareho ang gobyernong Tsino at gobyernong Pilipino at lahat ng mga imperyalistang bansa.

04/13/2012 - 02:51

Mula ng pumutok ang WW I ay pumasok na ang mundo ng kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto. Yugto kung saan lubusan ng reaksyunaryo at kontra-rebolusyonaryo na ang pandaigdigang sistema. Sa yugtong ito ang panawagan ng komunistang kilusan ay “Proletaryong rebolusyon o digmaan”. Mula 1980s ang dekadenteng kapitalismo ay pumasok na sa kanyang naaagnas na yugto – dekomposisyon – kung saan ang panawagan ng mga komunistang organisasyon ay “Komunistang rebolusyon o pagkawasak ng mundo”.

04/02/2012 - 03:20

Ito ay isang internasyunal na pahayag na naglalayong gumawa ng isang pansamantalang sumada sa mga kilusang panlipunan ng 2011 upang makapag-ambag sa isang malawak na debate hinggil sa kahalagahan ng mga ito.

2011: mula sa galit patungo sa pag-asa

03/14/2012 - 21:19
Ilang beses na bang tumaas ang presyo ng langis mula noong 1973? Hindi lang nakakapagod na bilangin kung ilan na kundi nakakainis at manggagalaiti tayo sa galit.

Ano ba ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis? Kahit batang nasa elementarya ay alam na kung tataas ang presyo ng langis ay mag-taasan din ang mga presyo ng iba’t-ibang mga bilihin dahil ayon sa mga negosyante, “direkta at indirekta ay ginagamitan ito ng langis”.

01/27/2012 - 05:04

Nasa pampitong araw na ang paglilitis kay Chief Justice Renato Corona sa senado para mapatalsik ito sa pwesto. Sa halip na maaliw ay pagkaasar at pagkabagot ang naramdaman ng mamamayan habang nanonood sa telenovelang ito.

Sino ba naman ang hindi maasar at mabagot sa bangayan at palusutan ng prosekusyon at depensa? Sino ba naman ang hindi makahalata sa papogi at pasikat na ginagawa ng mga senador-huwes at mabisto na ang mga ito ay may kinikilangan?

01/04/2012 - 02:24

Nitong Disyembre 18, 2011 muling kumitil ng mahigit 2,000 buhay at sumira ng daang milyong pisong ari-arian ang isang bagyo, ang bagyong Sendong. Matinding tinamaan ang mga syudad ng Cagayan de Oro at Iligan sa isla ng Mindanao. Hindi masukat ang paghihinagpis ng mga namatayan at nawalan ng bahay at ari-arian lalupa’t malapit na ang Pasko at Bagong Taon. Para sa mga biktima at kaanak ng trahedya, napakalungkot ang Pasko at Bagong Taon nila.

Nakikita at naramdaman din ang pagdalamhati at suporta ng mga mamamayan na hindi direktang naapektuhan ng bagyo sa sinapit ng mga biktima. Bumuhos ang mga materyal, pinansyal at moral na suporta mula mismo sa mga kapwa manggagawa at mahihirap.

12/08/2011 - 09:11

Ang pakikibaka laban sa kasalukuyang panlipunang kaayusan ay lumalawak, mula sa malakihang panlipunang pag-aalsa sa Tunisia at Egypt tungo sa kilusan ng ‘indignado’ sa Spain, hanggang sa mga pangkalahatang welga at asembliya sa lansangan ng Greece, sa mga demontrasyon para sa pabahay at kahirapan sa Israel, at sa mga kilusang ‘Occupy’ sa buong USA, ngayon ay umalingawngaw bagamat maliit sa UK. Ang kamulatan na ito ay pandaigdigang kilusan, tumalas at mas malawak.

11/21/2011 - 07:45
Walang duda na sinusundan ng mga mambabasa ang mga kaganapan sa kilusang OCCUPY WALL STREET (OWS). Mula kalagitnaan ng Setyembre, inokupahan ng libu-libong nagprotesta ang Zuccotti Park sa sentro ng Manhattan, ilang kalye mula sa Wall Street. Ang mga protesta ay kumalat ngayon sa daan-daang syudad ng Hilagang Amerika.